chapter 7

162 5 0
                                    

Andy's POV

Woooh kaya ko kaya ito? Lord help me please. Bigyan nyo ko ng lakas ng loob na lapitan sya, please.

" Good morning brad, ano na?" Si Jin at inakbayan ako

" Jin, kinakabahan ako. Kaya ko kayang lumapit sa kanya. Feeling ko kasi pag andyan sya sobrang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko nanghihina ang tuhod ko na anumang oras ay pwede akong bumigay na lang bigla" nag aalala  kong pahayag

" don't worry brad. You can do it. Trust me and trust yourself, specially your heart"

Wow lakas maka english ni Jin ah. Medyo gumaan naman. Basta magtiwala lang ako. Kaya ko ito at sundin ko lang ang sabi ng puso ko. 

----

*hoooh

Grabe nakakapagod. Hindi ko alam na ganito pala kahirap pag practise. Akala ko magpapractise lang ng play at shooting di pala.
Paano pinatakbo kami ng ilang beses tapos pabalik balik pa at kung ano ano pang streching ang ginawa namin. Tapos naglaro kami, tapos pinaliwanag ang mga play na gagawin namin pagkatapos ipaliwanag ay pinraktis namin. Tapos naglaban laban kami. Grabe naman. Para akong mamamatay sa sobrang pagod.

Buti na lang katatapos lang at makakapag pahinga kami.

Naglalakad lang kami ni Jin, kagagaling lang namin sa gym kasi nga katatapos lang ng praktis.

" uy brad, ano na? Anong gagawin ko para mapalapit kay Andrea?" Bigla ko na lamang tanong.

Parang di naman ako mapapansin ni Andrea, kahit anong gawin ko. Haaay

Tinapik lang ni Jin ang likod ko, kaya napabuntong hininga na lamang ako.

Nakita namin si Alexa, binati nya kami. Pero sila lang ang nag usap ni Jin kasi tahimik lang ako.
Sya lang mag isa asan kaya si Andrea. At nasagot naman ang tanong ko ng sabihin ni Alexa na nasa library eto dahil gumagawa daw ng mga assignments.

Tapos bigla na lang tinanong ni Jin si Alexa kung pwedeng sabay na kami umuwi mamaya. Ano kayang iniisip nito.

Pumayag naman si Alexa. Di rin nagtagal ay nagpaalam na kami pati sya ay nagtungo na sa library. Kaya chance ko na para kausapin itong ugok na ito

" Jin ano iyon?"

" ang alin?"

" yung sabi mong sabay na tayo umuwi nila Andrea"

Tiningnan nya lang ako't nginitian at inakbayan

" ito naman, tinatanong mo ko kanina kung anong gagawin mo para mapalapit kay Ms. Andrea eh. Eto na iyon, yung sagot ko para mapalapit ka sa kanya"

Napatango lang ako

----

Uwian na, naglalakad na kami para maka uwi na. Kaso kinakabahan ako, kasi sabay kami nila Andrea uuwi.

Nakita na namin sila, kaya tahimik lang ako. Kinakabahan kasi ako eh. Nakakahiya baka mautal utal lang ako kaya hinayaan ko na lamang si Jin na sya ang magsalita.

" hi Alexa, hi Ms. Andrea"

Nginitian lang kami nito

" hatid na namin kayo, kung okay lang sayo"

Tiningnan nya muna si Andrea na tumango lang. Kaya naman nginitian lang uli kami ni Alexa bilang sagot

" so ano tara na--- oh ikaw na mag suot" narinig kong sabi ni Jin at inabot nya ang helmet nya Kay Alexa.

Ganoon din ang ginawa ko.

" oh ikaw na magsuot nito" inabot ko kay Andrea ang helmet ko

Nagdadalawang isip syang tanggapin. Bakit kaya

Match Made In Heaven (Lesbian Story) CompletedWhere stories live. Discover now