chapter 6

208 5 0
                                    

Andrea's POV

Andito na ko sa bahay. At ito ako paikot ikot lang sa aking kama dito sa loob ng kwarto ko.

Naalala ko na naman kanina, pag naalala ko yung nangyari nahihiya ako pero mas nangingibabaw ang kilig at saya na nararamdaman ko.

Ito na ba? Yung kanina, iyon na ba ang sign na hinihingi ko. Ang tagal ko nang inisip kung paano mapapalapit sa kanya yung hindi ako magmumukhang disperada noh.

Okay lang naman sigurong makipag friend eh. Tsaka mukang okay naman di ako mahihirapang makipag friend sa kanya. Lalo na sa mga nakita ko noong mga nakaraan kung gaano sya kagiliw sa iba, kung gaano sya kabait at ka friendly.

Kaso parang biglang bumigat ang dibdib ko, sa salitang friend. Friend lang ba talaga ang nais ko mula sa kanya? Sa tingin ko oo. Pero bakit ako kinikilig? Sobrang saya ko noong mga oras na malapit lang sya sakin, lalo na magkatabi kaming dalawa kaninang kumain.

God! Lalo na yung titigan moment namin kanina. At yung kuryenteng naramdaman ko ng magdikit ang mga balat namin lalong lalo na ang bilis ng tibok ng puso ko noong mga oras na magkalapit ang mga katawan namin.

Sobrang saya ng feelings ko, ewan ang gulo. Parang ito yung kasiyahan na matagal ko nang hinihintay, para ito na yun eh. Yung parang may tao kang matagal mo ng hinahap tapos noong magkita na kayo, yung kakaibang saya. Ganon oo ganon nga yun.

Nawala ang pangungulila sa puso ko. Nawala na lamang ito na parang bula. Hindi ko maintindihan pero ang alam ko sobrang saya ko kanina. Masayang masaya ako na kasama ko sya.

Sya kaya ano kaya ang nararamdaman nya ngayon? Masaya din kaya sya? Pareho kaya kami nang nararamdaman.

Napansin ko ng magtama ang aming mga mata, nakita ko ang lungkot at pangungulila sa mga ito. Ngunit unti unti din iyong nawala at napalitan ng ningning at kasiyahan noong mga oras na magkadikit ang aming mga katawan. Ibig bang sabihin nito, naalis ko ang lungkot sa kanyang puso. Parang sobrang saya namang malaman iyon.

Andy.... hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Kasi alam mo maski ako ay gulong gulo at litong lito na din. Mag mula ng encountered natin noon sa mini forest, alam mo bang hindi ka na nawala sa isip ko? Alam mo bang lagi kitang naiisip? Alam mo bang lagi kong inaalala ang mga ngiting iyon? Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinakaba at pinasaya ng mga oras na iyon. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko buo ako noong mga oras na iyon. Napuno ng saya ang puso ko, ang lungkot at pangungulila ko sa isang tao na matagal ng panahon na nakatago dito sa puso ko ay sa isang iglap ay nawala na lang bigla. Alam mo ba ang bilis ng tibok ng puso ko nong mga oras na iyon, noong marinig ko nga lang ang boses mo eh sobra sobra ang kabog. At Ang pangungulila ko kay Aj at ang kalungkutan ko ng bigla na lang syang nawala ay napalitan ng saya, alam mo bang dahil iyon sayo? Pakiramdam ko nga ikaw ang taong matagal ko ng hinahanap at hinihintay. Alam kong napaka unfair ko sa pagkakataong ito, pero sana ikaw na lang si Aj. Hindi ko alam pero yuon ang hiling ng puso ko, sana ikaw na lang si Aj. Ang taong matagal ko ng hinihintay. Ang dahilan ng pangungulila at kalungkutan dito sa puso ko. At ang dahilan ng kasiyahan nito. Sana ikaw na nga sya.  Alam ko napaka selfish ko dahil hinihiling ko na ikaw ang taong hinihintay ko, pero anongagagawa ko iyon ang hiling ng puso ko.

Alam mo ba Andy, kung naririnig mo ako ngayon siguro iisipin mong napakadisperada ko dahil hinihiling ko na ikaw ang taong iyon. Dahil sa totoo lang malaki ang pagkakapareho nyo, minsan nga naiisip ko na ikaw at si Aj ay iisa. Pero imposible kasi kung ikaw si Aj makikilala mo ko. O kaya hahanapin mo ko. Sana nga ginawa ni Aj iyon, sana ikaw na lang sya

Naramdaman ko ang luha na umaagos sa aking mga mata. Andrea bakit ka na naman umiiyak, sabi pa naman ni Aj na wag na wag ka ng iiyak.

Aj, kung nasan ka man ngayon sana mapatawad mo ko. Dahil nagiging selfish ako sa pinag iisip ko, hihiling ko na sana ang isang taong kakilala ko ay maging ikaw. Alam mo bang miss na miss na kita. Hanggang ngayon umaasa ako na sana magkita tayong muli. Alam mo bang ikaw ang first girl crush ko noon, oo noon iyon noong mga bata pa tayo. Pero ngayon sa tingin ko hindi lang simpleng crush ang nararamdaman ko para sayo, siguro masasabi ko na ikaw ang first love ko, mula nang araw na iyon hanggang ngayon. Nasan ka na kasi? Magpakita ka na sakin please... bumalik ka na. Please wag mo akong hayaan na mapamahal ng lubusan sa iba, Aj.

Match Made In Heaven (Lesbian Story) CompletedWhere stories live. Discover now