chapter 22

142 5 0
                                    

Andy's POV

Nagmulat ako ng mga mata

Mga puno? Nasan ako?

Inilibot ko ang paningin at nagbangon ako sa pagkakahiga

Nakahiga pala ako sa damuhan. Madaming puno nasan ba ko?

Park? Naririnig ko ang sigawan at tawanan ng mga batang naglalaro.

Mga ilang kilometro lang naman ang layo nila nasa parte pala ako ng park kung saan mapuno

Hmmm

Ang sarap naman ng hangin

" ang tagal naman ni Andeng, kanina pa ako dito ah? Pupunta pa kaya sya. Sabi ko naman magkikita kami ngayon eh. Kasi maglalaro kami. Nakipaglaro na ko sa ibang mga bata tapos sya wala pa din"

Tulad ng una narinig ko na naman ang sarili kong boses kahit hindi naman bumubuka ang aking bibig

*huhuhu

May narinig akong umiiyak tumayo ako at nag lakad

" sino kaya yung umiiyak?

May nakita akong bata na nakayuko at nakatuon lang ang atensyon nya sa tuhod nya

"Parang pamilyar ang batang ito"

Ang bulong ng boses ko na wariy kinakausap ang sarili. Lumapit ako dito

*huhuhu

Patuloy pa din sya sa pag iyak nya siguro nasaktan talaga sya

Nakatayo na ko sa harap nya, ngunit hindi nya naramdaman ang presensya ko

Saktong magsasalita ako ng bigla namang humangin

Wow ang sarap ng hangin, ramdam na ramdam ko ang lamig nito. Parang hindi ako nananaginip. Parang totoo ang mga nakikita ko
Pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata ko.

Nakakatawa naman ang mga sinasabi ko, eh parang bumalik naman talaga ako sa pagkabata

" okay ka lang bata?"

Ang tanong ko sa batang nakayuko na sa tingin ko ay mapapansin na ako

Nag angat lang naman sya ng tingin. Nakita ko ang itsura nya, ang muka nya na balot ng luha.

Bata nga talaga

"  Andeng! Ikaw pala-- ooh!"

Ang turan na naman ng boses ko.

" ah eh kasi--"

Bigla na lamang akong lumapit sa kanya kaya hindi nito natapos ang kanyang sasabihin

Na ngayon ay nakaharap na sa kanyang tuhod
Naramdaman ko ang paglapit ng mukha ko sa tuhod nya

At inihipan ko pala

Akala ko naman kung ano ang gagawin ko

*wooooooh... wooooh...

" yan! Masakit pa ba?"

" hindi na masyado. Salamat Jean"

Eeeh... sa tanang buhay ko ngayon ko lang uli narinig na may tumawag saking Jean

" yan epektibo talaga. Wag ka na mag alala, mawawaka din yang sakit. Ganyan din kasi ang ginagawa ni mama pag nasasaktan ako. O kaya naman ay kinikiss nya ang parteng nasaktan"

Ngunit nakayuko lang sya

" uy! Andeng bakit ka nakayuko? Takot ka ba sakin? Nakakatakot ba ko"

Match Made In Heaven (Lesbian Story) CompletedWhere stories live. Discover now