chapter 2

419 11 0
                                    

Andrea's POV

" hoy! Anong ginagawa nyo? " ang sabi ng isang batang babae. Sabay hila sakin at dinala sa likod nya.

" bakit? Sino ka ba hah!? " ang pagalit na sabi ng batang lalaki na nangbubully sakin.

" oo nga! Akala mo naman kung sino ka. Eh kaliit liit mo napaka tapang mo " sigunda naman ng ikalawang batang lalaki

" kaya nga, bakit papalag ka ba!? Hah? " panghahamon ng ikatlong lalaki. Sabay duro nito sa noo ng batang babae na nasa harap ko ngayon.

Totoo naman kasi, kaliit liit napaka tapang. Kung ikukumpara sa tatlong bata na nasa harap namin. Pero kung tutuusin mas mataas pa sya sakin. Kaya natatabunan nya ko. Pero Ewan ko ba dito sa batang ito. Kapag nagkataon wala din syang laban sa mga naglalakihang mga batang lalaki na nasa harapan namin.

" nang aaway kasi kayo. Hindi naman kayo ina ano nitong batang to. Atsaka ang daya nyo, ano namang magiging laban ng babaeng to sa inyo. Bukod sa maliit na nga marami pa kayo. Ang daya daya nyo" ang paliwanag ng batang babae na nasa harapan ko.

Pero totoo naman, madaya nga sila ano naman ang magiging laban ko sa kanila. Mga lalaki sila tapos matatangkad pa tsaka tatlo pa sila. Tama naman tong babaeng to

" eh ano ba kasing paki alam mo hah!? " ang galit na sabi nung pinaka lider nila

" sabi kasi ni mama masama ang mang away, kaya dapat hindi kayo nang aaway. Kasi di daw gusto ni papa Jesus ang mga batang nang aaway" paliwanag ng batang babae.

" eh ano ngayon? Bakit ka ba nangingialam? " tanong nung lider nila

" kasi sabi ni mama dapat daw pag may nangangailangan ng tulong dapat tulungan. At pag alam mo namang tama ka at wala kang ginagawang masama dapat ipagtanggol mo sya. Kaya tinutulungan ko lang sya na ipagtanggol sa inyo. Wala naman syang ginagawang masama sa inyo ah. Eh bakit nyo sya inaaway? " ang batang bata nyang paliwanag

" ah ganon, kaya nagpapaka bayani ka. Sa tingin mo ba kaya mo kami? Kaya may pagtanggol tanggol ka pang nalalaman. Eh kung birahin ka kaya namin" ang pananakot ng pangalawang batang lalaki

" sige, subukan nyo at isusumbong ko kayo kay titser. Sabi pa naman ni titser wag daw mang aaway. Kapag nang away ka daw magagalit sya, pati ang mga magulang nyo. Kasi bad daw iyon. Kaya kapag inaway nyo pa sya isusumbong ko na kayo kay titser! " ang lakas loob na sagot ng batang babae sa mga lalaki

" sige subukan mong magsumbong, susuntukin ka talaga namin" pagbabanta ng lider nila

" sige, isusumbong ko talaga kayo kay titser!" Ang hindi nagpapatalong sagot nya

" humanda ka! Simula ngayon babantayan ka na namin. At sa oras na magsumbong ka. Susuntukin ka namin. " pagbabanta nya uli

At ang bata naman ay nakatitig lang sa kanila

" tara na nga! " pang aaya ng lider ng mga kalalakihangbiyon

" humanda ka talaga " sabi ng pangalawang bata at nag eye-to-eye sign pa.

Yung parang sinasabi nyang babantayan kita sabay turo sa mata nya at sa batang babae

" sige alis na kayo! Bleee! " ang pag aasar pa nito sa mga lalaking naglalakad na paalis

At pagkatapos ay humarap sya sakin.

" ayos ka lang ba bata? Hindi ka ba nila sinaktan? " ang tanong nya sakin para malaman kung ayos lang ba ako o hindi

" oo ayos lang ako. Salamat nga pala sa pagtatanggol mo sakin kanina laban dun sa mga bad na mga bata" ang pagpapasalamat kong sabi

" hehehe ayos lang yon " ang ngiting sabi nya. Halos mawala na ang mata nya

Match Made In Heaven (Lesbian Story) CompletedWhere stories live. Discover now