chapter 11

151 8 0
                                    

Andrea's POV

Gosh! Nararamdaman ko ang init sa aking muka. Sigurado ako na pulang pula ito sa mga oras na iyon.

Hindi ako mapaniwala, kung paano ko nga ba iyon nagawa.

Paano ko nga ba iyon nagawa?

Utos ng puso ko?

Siguro nga iyon ang utos ng puso ko kaya nagkaron ako ng lakas ng loob para gawin iyon

Bakit sobrang saya naman ata ang nararamdaman ko dahil sa nangyare?

Simpleng halik lang naman sa pisnge nya ang ginawa ko. Pero ang galak sa puso ko ay sobra sobra

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko noong mga oras na iyon.

Halos magtatalon ang puso ko, sandali lang iyon pero iba ang epekto nito sa buo kong pagkatao. 

Nandito pa din ako sa likod ng gate namin nakatayo at namumula ang aking mga pisnge.

Nang halikan ko sya kanina sa pisnge ay agad akong pumasok, nahihiya akong makita nya akong namumula.

Kaya naman pumasok ako agad, at eto nga ako ngayon nakatayo pa rin dito sa gate.

Mga ilang sandali narinig ko na ang pag alis nya, kaya naman lumakad na ako para makapasok na sa loob ng bahay.

Nakasalubong ko si Nanay Tsoleng at ginawaran ko ng isang halik sa pisnge.

Nginitian nya lamang ako. At agad naman din akong umakyat sa aking kwarto.

---

Sports Festival Competition

Makikita mo sa bawat sulok ang mga istudyante na may kanya kanyang mundo. Lahat sila ay abala sa paghahanda para sa competition ngayon.

Kagaya nga nila ay ganoon din naman kami, halo halo ang mga tao ngayon dito. May mga outsider din na kasama para manuod din ng laban ng bawat iskwelahan.

Dito gaganapan sa Hwang University ang nasabing Festival. Ito kasi ang pinakamaling iskwelahan sa buong lugar.

Mapa high school at college ay excited maging ang mga taga supporta ng bawat iskwelahan. May kanya kanyang banner na dala para sa team nila at kung ano ano pa.

Mukang masaya ang sports festival na ito, dahil kita naman ito sa kanilang mga muka. Ngunit magkagayon man ay hindi kami magpapatalo.

Kaya naman naghanda din kami ng banner para sa aming team. Lalo na para supportahan sina Andy at Jin. Hindi lang basta bastang suporta ang nabuo namin.

Dahil kabilang sa amin ang mga taga suporta nila Jin at Andy. Di ko pa pala nasama ang fan club namin ni Andy.

Ang And-drea Shippers

Natutuwa ako sa mga ito dahil todo effort sila para supportahan ang mga kasama. Lalo na ang iniidulo nila.

May dala dala pa nga silang malalaking picture ng mga ito. At may mga torotot pa, para daw ipakita ang kanilang suporta.

Iisa lang din ang kulay ng mga t-shirt namin na may naka tatak na Hwang University
May maliliit ding bandila na dala.

red and white ang mga kulay na makikita sa mga bagay na dala namin.

At ang pinaka malaking banner namin na may school name.

At ang mga banner para naman kina Andy at Jin.

Malaki ang stadium na ito kaya makikita mo ang dagsa dagsang tao na nandito.

Kanya kanya din silang dala para suportahan naman ang school nila..

Match Made In Heaven (Lesbian Story) CompletedWhere stories live. Discover now