chapter 25

165 6 0
                                    

Third Person's POV

Sa buhay ng tao kadalasan kailangan muna nating masaktan bago tayo makaramdam ng kasiyahan.

Dahil minsan hindi mo maramdaman ang tunay na saya kung hindi mo pa nararamdaman ang sakit.

Hindi mo alam kung ano nga ba ang tunay na kahulugan nito at pakiramdam.

Minsan kailangan mo din mahirapan bago mo makuha o makamit ang lahat ng mga pinapangarap mo.

Dahil kung hindi mo iyon paghihirapan wala ding silbi dahil mas masarap ang pinaghihirapan.

Ganoon din naman ang minsang pagiging mahina upang matutunan nating maging malakas.

Sa oras ng mga pagsubok, at madalas masarap din masaktan dahil tinutulungan tayo nitong maging malakas, matalino at higit sa lahat nagbibigay aral sa ating lahat.

Minsan kailangan nating bumitaw kahit na mahirap at masakit ito para sa atin.

Dahil dito mas lalo tayong nagiging malakas sa pamamagitan ng pagbitaw at paglimot sa mga nakaraan.

Minsan nagbibigay din ito ng aral sa atin kung paano natin pangangalagaan at pahahalagahan ang lahat ng bagay o taong mahal natin.

Na ang buhay ay maikli lang. Siguro ngayon andito pa sila, nasa tabi mo pa at nakakasama. Ngunit pwede rin namang bukas makalawa ay mawala sila na hindi na natin sila makakasama at makikita pa.

Kaya naman matututo tayong magpahalaga sa bawat sigundo, minuto at oras habang kasama pa natin sil, habang gumagawa ng maraming masasayang ala ala.

Match Made In Heaven (Lesbian Story) CompletedWhere stories live. Discover now