Chapter 40

290 13 0
                                    

"Tumawid sa daan si Kristian upang kuhain ang panyong 'yon. Ang kulay Dark Blue na panyo. Sabi ko pwede namang palitan 'yon pero sabi niya galing pa daw ito sa'yo. . ." naaalala ko. Binigay ko sa kaniya ang panyo ko dahil umiiyak siya. Bata pa kami no'n.

"Pero hindi ko naman akalaing nando'n si Triss sa lugar kung saan nahulog ang panyo ni Kristian. Binilisan niya ang maneho and Boom! Sinagasaan lang naman niya ang kakambal ko," namuo ang mga luha sa mata ni Keco.

Napalingon ako sa likod ko, kung nasaan ang nanghihina't nanglulumong si Triss. "T-totoo b-ba 'yon, ha Triss?" Tanong ko. Hinintay kong sumagot siya't ipagtanggol ang sarili niya, pero lumabas lamang ang mas maraming luha sa mata niya.

Doon, tuluyang nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko sa mata na kanina ko pa iniipon at pinipigilan. "Bakit!? Bakit sa dinami dami ng tao sa mundo, bakit ikaw pa ang naging dahilan ng pag-kamatay ni Kristian!?" Inis na sigaw ko sa kaniya.

"H-hindi k-ko sinasadya!" Sigaw niya. "Wala ako sa katinuan. Hindi k-ko alam ang g-ginagawa ko ng mga iras na 'yon," nanghihina niyang sambit.

"Ngayon alam ko na kung bakit sa'yo lang siya nagpapakita. May a-atraso ka p-pala sa kaniya," sabi ko. "Kaya din pala noong mga oras na tinatanong kita kung nasaan si Kristian, sinabi mong patay siya, AT NAKITA NG DALAWA MONG MATA DAHIL IKAW MISMO ANG PUMATAY SA KANIYA!"

Gusto ko siyang sipain, sampalin at sabunutan, pero bakit hindi ko magawa? Gusto kong kalmutin at galusan ang balat niya. Pero hindi ko magawa. Nanghina lamang ako. Ngayon, alam ko na ang lahat. Ang nakausap ko noong araw na iyon, ay walang iba kundi ang kaluluwa ni Kristian.

"The Game is Over," itinutok ni Keco ang baril kay Triss. "Bago ko nga pala gawin 'to, you're an awesome chatmate, Jibby,"sabi nito saakin habang nakangisi.

So tama nga. Siya nga ang kachat ko. Pero sabi ni---Wait, ngayon ko lang nagets! Isang code ang binigay saakin ni Cath. Keco and Kristian is not same, your personal messanger chatmate is unknown. Kung babasahin two seat apart, Keco is your chatmate ang lalabas.

Bakit ngayon ko lang naintindihan ang lahat? Ibig sabihin, all this time. . ."all this time nasa paligid kita?" Sabi ko. Ngayon ko lang narealize ang lahat.

"Oo. 'Yun ang huling hiling ni Kristian saakin. Ang bantayan ka, oras-oras. Nakakatawa nga dahil sinabi niyang gusto niya na account niya ang gamitin ko kung imemessage kita. Para daw hindi ko siya mamiss,"kumurba ang isang maliit na ngiti sa labi niya.

Tumingin siya kay Triss. "Back to the target, For you Triss, the Game is---"

"Shit!" Malakas na sigaw mula sa pintuan ang narinig ko. Nakarinig ako ng pag-aagawan ng baril. Naging slow-mo ang lahat.

"Triss!" Niyakap ko siya bago makarinig ng isang malakas na putok ng baril.

--
AN: Yay! The Last Chapter is O.V.E.R. may Epilogue pa! Salamat sa mga nagbasa at tumangkilik sa 22:19 hanggang 19:22--- okay, tama na. May Authors note pa naman.

19:22 Time of DeathWhere stories live. Discover now