Chapter 19

268 15 0
                                    

"Aray!" Napatingin ako sa nabunggo ko.

"Ay lola! Pasensya na po kayo," tinulungan kong tumayo ang isang matandang babae. Madami pa man din siyang bitbit. "Sorry ho,"paghingi ko muli ng paumanhin. Nakabalabal siya at tanging 'yon lang ang nagpapainit sa balat niya.

"A-ayos lang iha,"inabot niya ang kamay ko. "Hmm? Mukhang problemado ka Iha?"sabi niya. Hindi parin niya binibitawan ang kamay ko. Mukhang pulubi si lola batay sa buhok at dumi ng katawan niya.

"Ah oho, kasi ho---" hindi niya ako pinatapos at nagsalita na agad siya.

"Kakaiba."

"Po?"nagtatakang tanong ko.

"May kakaibang sumasagi sa isip mo at siya ang problema mo. Gusto mo bang hulaan ko kung sino?"nakangiting tanong nito saakin.

Kung um-oo kaya ako, malalaman kaya niya kung sino ang lalaking nakita ko kanina? Hmm. Mukhang wala namang mawawala? Tumango ako't kinapa kapa niya ang palad ko.

"Dalawa, Ang isa ay hindi matahimik, ang isa ay gaganti. Ang isa nakita mo na, ang isa padating pa lang. Ikaw palang ang nakakakita sa kaniya, pero makikita din siya ng iba at magdadala ng panganib. Ang isa, sakim, masama at higanti ang gagawin sa pinaka-malapit sa'yo."

Nawiwirduhan na ako kay lola. Kahit isa wala naman akong naintindihan. Hindi kaya naka-drugs siya o kaya sabog? Hindi naman siguro?

"Okay na po ba?"tanong ko. Hahatakin ko na sana ang kamay ko ng higpitan niya ang hawak niya sa kamay ko at tinignan ako ng matalim sa mga mata.

"Ang buhay niyo ay magiging magulo sa pagdating niya. 'Wag pakasisiguro na matibay na ang relasyon niyo dahil kapag dumating siya, masisira ito't magdudulot ng away sa pagitan ninyo,"sabi pa nito ng makahulugan.

"Ano pong ibig niyong sabi---"

"Mauna na ako,"binitiwan niya ang mga kamay ko at naglakad na paalis. Tanging pagkunot na lamang ng noo ko ang nagawa ko. Sino kaya ang niyo na tinutukoy niya? Hindi kaya si Jim?

Kinuha ko ang Cellphone ko at nagtype ng message. Nakita ko sa kanang bahagi sa itaas ng cellphone ko na 11:34 na kaya minabuti kong bumalik na sa bahay. Pero 'di ko inaasahan ang makikita ko ng bumalik ako sa bahay.

"Michael."

--
Abdiel_25
Mukhang sa mga susunod na chapter si Triss na ang maghahandle ng story XD. Btw, nagrank ang 19:22 sa Paranormal so Thank you! Sino kaya si Michael? Siya kaya si Michael Huge sa Diary of a Feeble o new Cast? Hmm?

19:22 Time of DeathWhere stories live. Discover now