Chapter 03

633 33 6
                                    

Nakatulog ako sa sofa. Nakatulog ako sa kakaisip. Buhay pa kaya siya? Totoo bang namatay siya? Baka nga tama si Triss? O baka mali siya?

Ang daming tanong na nabubuo sa utak ko. Ano na ba ang gagawin ko? Sino ang paniniwalaan ko? Sino ang tama? Ang mata ko, o ang utak at puso ko?

Maaga akong nag-asikaso. Kailangan kong iwasan isipin ang mga bagay na ito, dahil for sure, ibabalik ako nito sa nakaraan.

Pumunta ako sa banyo para maligo. Habang naliligo, nakaramdam ako ng lamig. Hindi naman galing sa tubig ito. Luminga-linga ako sa banyo. Wala namang butas o hangin na pwedeng magpalamig ng temperatura dito.

Baka naman sa tubig lang talaga 'to. Hays. Napaparanoid na yata ako.

Pagkatapos ko maligo, dumaretso ako sa kwarto at nagbihis na. Bumaba ako sa kusina upang kumain ng agahan. Kahit mag-isa lang ako dito, hindi ko naman pwedeng pabayaan ang sarili ko.

Minsan, nagkasakit na ako. Ang hirap magkasakit na ikaw lang ang nag-aalaga sa sarili mo. Pero, narealize ko na okay na din 'yon, atleast may mahawa ka man, sarili mo lang 'yon.

Natapos akong kumain, tumingin ako sa orasan. 7:20 Am palang. Ang aga ko pa pala para sa pagbubukas ng restaurant ko. Pero hayaan na, mas maganda ang maaga kaysa sa late.

Sabi nga, 'It's better to be three hours advanced than to three hours late'. Ewan kung sino nag-pauso niyan. Kung sino man siya, thank you kasi na-motivate talaga ako.

Umakyat ako sa kwarto upang kuhain ang cellphone ko. Chi-narge ko kase kanina ito dito habang naliligo ako. Sana nag-full charge. Binuksan ko ito, 73% lang. Okay na din. Mabagal naman malowbat ito.

Bababa na sana ako ng muling tumunog ang cellphone ko. Lumabas sa aking screen ang bilog na maliit na nagmula sa itaas ng screen, nang mapindot ko ito'y bumukas at lumabas ang isang mensahe.

7:22 Am

Kristian: Goodmorning, have a nice day :)

And that creep me out for no valid reason.

-—-—-—-

19:22 Time of DeathWhere stories live. Discover now