Chapter 35

221 16 4
                                    

"Ang debut ng babae ay 18. Therefore lalaki ang mag-dedebut," sabi nito.

"Oo. Alam kong lalaki dahil sabi ng kausap ko, lalaki ang magdedebut," sabi ko sa kaniya. Ang weird ng feeling dahil may kung anong nagiging curious sa mga sinasabi ni Cath.

"Tama. Alam kong nakikala na ninyo ang nanay ko," sabi nito. "kayong magkaibigan, nakikala niyo na siya. At alam kong binigyan na niya kayo ng mga hula," sambit nito.

Sinong nanay?

"Sino? Siya ba 'yung pulubi?"bigla kong sabi. Ang naaalala ko lang na nanghula saakin ay 'yung matandang babae. Nakita ko din no'ng araw na 'yun si Kristian.

Tumango siya. "Binigyan ka niya ng pangitain tama?"

Tumango ako.

"At gano'n din ang kaibigan mo. Sinabi saakin ni Ina na kakaiba ang nararamdaman niya sa iyo no'ng araw na hawakan niya ang palad mo. Tama ba na ang sinabi sa'yo ni Ina ay may lalaki siyang nakikitang magliligtas sa iyo?" Tanong saakin ni Cath.

Tumango ako. Ano bang connect no'n? At paano nga ba ulit kami napunta sa ganitong sitwasyon?

"Ibig sabihin. Isang lalaki ang magliligtas sa'yo, at kung saan laban? Hindi ko alam. Alam kong kilala mo ang lalaki. Sa pangitain naman ni Ina sa kaibigan mo, May dumating na at may dadating pa. Ang lalaki na magliligtas sayo ay ang tinutukoy ni Ina'ng 'Dumating na' at ang Dadating pa, 'Si Kamatayan."

Lalong nanindig ang mga balahibo ko. Hindi ko alam kung paano mag-rereact. Sinong lalaki? Hindi ko parin maintindihan.

"Hindi alam kung sinong lalaki ang tinutukoy ng nanay mo," sabi ko.

"Isa lang naman ang lalaking malapit sa'yo tama?" Tanong nito saakin. Luminga siya sa paligid. "At alam kong alam mo na lagi lang siyang nandito," ani pa niya.

Mas lalo akong kinutuban ng masama. "Ang tinutukoy mo ba ay si Kristian? Pero hindi pwedeng mangyari 'yon. Kachat ko siya tuwing 7:22," sambit ko.

Lumapit siya saakin at hinawakan ang kamay ko. Pumikit siya. Natatakot ako. May kakaiba akong nararamdaman.

"Nakilala mo na siya."

19:22 Time of DeathWhere stories live. Discover now