Chapter 28

211 12 0
                                    

"Kristian?"

Hindi ko alam kung paano lumabas sa bibig ko ang pangalang matagal ko ng iniisip. Wala na nga atang gabing hindi ko inisip ang pangalan niya. Ngayon desidido na akong tanggapin na buhay siya.

Desidido na akong sabihin na mali si Triss dahil buhay pa si Kristian.

Itinaas nito ang tingin saakin at napatingin sa likod niya, akala niya siguro ay iba ang tinatawag ko. Pero nakatingin ako sa kaniya, at mukhang nahalata naman niya ito.

"Ako ba ang kausap mo?" Tanong nito saakin. Gusto ko siyang tawanan dahil alam kong nag-mamaang-maangan lang siya.

Alam kong siya ang kaharap ko. Alam kong si Kristian ' to. Hindi ko man nakikita ang ilong at bibig niya, kitang kita ko sa mata niya, siya si Kristian. At hindi ako pwedeng magkamali dahil may nunal siya sa kanang kilay, palatandaang, siya nga ang kaharap ko.

Mapait akong napatawa.

"Matapos mo akong iwanan ng matagal? Matapos kang magchat ng magchat saakin tuwing 7:22? Pagkatapos mo akong hindi balitaan? Tapos tatanungin mo kung ikaw ang kausap ko?" Mahinahon kong sambit.

Gusto ng tumulo ng mga luha ko. Pero ayokong kunin ang mga atensyon ng taong malapit lang saamin.

"Miss--"

"Jibby. Jibby, 'di ba 'yan ang tinawag mo saakin noon? Nag-panggap ka pa ngang si Keco? Ikaw ang kababata ko. Hindi ko alam pero parang nakalimutan mo na ako. Hindi naman utak ang naging problema sayo noon 'diba? Puso 'diba? Puso. Pero. . . Bakit parang nalimutan mo ako?"

Bakas sa mukha niya ang pagkalito. Alam kong nagpapanggap siya at maya-maya lang ay sasabihin niyang "Ang drama mo naman! Halika nga dito!" Sabay yakap. Oo. Desperada na akong yakapin ang kababata ko.

Matagal ko na siyang hindi nakikita. Matagal ko na siyang hindi nakakausap sa personal. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nakikita ko sa mga mata niya na hindi niya ako kilala?

"Miss--"

"Kristian naman! Miss na miss na kita. 'Wag ka ng magpanggap na hindi mo ako kilala!" Sabi ko sa kaniya. Naagaw ko na din ang atensyon ng mga tao malapit saamin. Tumayo ako.

"Jibby?"

--
An. Babawiin ko sinabi ko. Medyo mahaba pa pala to. Haha! Panira ako no? Okay lang yon. Haha! Andrama na ata ni Jimelyn? Btw, tingin ko ito ang unang matatapos bago ang SO:LB, KG, at CI (katamad isulat title e) yung Did You Know V.2 ay tapos na.

Salamat sa pagbabasa!

19:22 Time of DeathWhere stories live. Discover now