Chapter 08

376 25 2
                                    

“Bes! Bes!”

Nagising ako sa yugyog ng kung sino man. Minulat ko ang mga mata ko at bumungad saakin ang nag-aalalang mukha ni Triss. Luminga ako, nasaan ako? Nalaman ko na nasa kwarto ko ako ng may makita akong picture ni Kristian sa tabi ng kama na hinihigaan ko ngayon.

“Nakita kita kanina sa loob ng kotse mo. Anong ginagawa mo sa bahay tapat ng bahay ko? Tulog ka no'ng makita kita. Pero mas nagulat ako ng inuuntog mo na ang sarili mo sa bintana ng kotse mo. E bukas naman 'yong pinto kaya hinatid na kita dito,”pagpapaliwanag ni Triss.

Tumayo ako dahan-dahan. Sumasakit ang ulo ko. Napatingin ako sa mga mata ni Triss, na siyang ipi-nagtaka niya. “Ibig mo bang sabihin, hindi mo benebenta ang bahay niyo?”tanong ko. Kumunot ang noo niya.

“Binebenta? Ofcourse not! Pamana pa ni lolo saamin 'yon e.”

“E 'yung gubat? Tumakbo ba ako tapos napunta sa isang gubat?”

“Gubat? Bes okay ka lang ba? Wala namang gubat malapit sa bahay ko ah. At tsaka, kasasabi ko lanh 'di ba. Nakita kita sa loob ng kotse mo na natutulog. Kaya paano ka tatakbo?”tanong nito.

“Ibig sabihin hindi totoo, ang lahat.”

Naglakad ako paikot-ikot sa kwarto ko. “Anong hindi totoo ang lahat? Jimelyn, okay ka lang ba talaga? Gusto mo bang ihatid kita sa ospital?”

“Hindi totoo 'yung kotse, hindi totoong sumabog 'yon. Hindi totoong. . .”napatingin ako kay Triss. “.  . .Hindi totoong si Kristian ang driver!”

Hinawakan ako ni Triss sa magkabilang balikat ko at tinignan ako sa mata. “Bes, anong nangyayari sa'yo? Ano bang pinag-sasasabi mo? Naguguluhan na ako sa iyo,”ani niya.

“Bes, nanaginip lang siguro ako. Bangungot. Tara na nga, bumaba tayo sa kusina. Anong oras na ba?”tanong ko habang inaalis ang kamay niya sa balikat ko.

“6:33 Pm,”maikling sagot niya. Sa mga mata niya, alam kong naguguluhan pa siya. Pero kilala niya ako, kapag ayaw kong sabihin, ayaw ko.

Hinatak ko na siya pababa ng hagdan. Nasa ikalawang palagapag kasi ang kwarto ko. Dumaretso kami sa kusina at kumain. Sabi niya aalis na daw siya pagkatapos kumain. Pero ayoko munang mag-isa ngayon gabi.

“Sige na kasi Bes, nood muna tayo. Matulog ka na dito. Kahit ngayon lang please,”nag-puppy eyes pa ako para lang mapilit siya.

“Sige na. Hays. Panalo ka nanaman Jimelyn Astrid. Basta Annabelle panonoorin natin ah, haha! Bahala ka matakot diyan,”sabi niya.

“Talaga lang ah. Ha! Tignan natin kung sinong matatakot mamaya!”pang-aalaska ko.

*Ding*Dong*

“Oh, ayan na ata 'yung in-order mong pizza Jim,”sabi niya.

Tumayo na ako't dumaretso sa gate. Binuksan ko ito at nakita ang lalaki na nakayuko at parang may sinusulat sa box ng pizza. “Ah, kuya. 'Yan na po ba 'yung pina-deliver ko?”

Tumingin siya saakin, na sana hindi na niya ginawa.

“Aaaaaah!”
-—-—-—
Dedicated to: demonqueen4ever

19:22 Time of DeathWhere stories live. Discover now