Chapter 04

543 27 2
                                    

“Uy Bes! Bakit parang lutang ka? Ang sarap-sarap nitong pagkain oh! Kumain ka na. Bahala ka, nilalangaw na 'yong pagkain mo! Ayaw mo ba?”

Hanggang ngayon, 'di talaga ako makapaniwala na buhay si Kristian. Buhay nga ba? Hays. Tama ba na maging basehan ko ang pagiging buhay ni Kristian dahil lang nag-chachat siya?

“Bes?”nabuhayan ako nang tawagin ako ni Triss. Nasa restaurant ko kami. Nag-yaya siyang kumain, at tinira ang restaurant ko. Wala naman akong magagawa, kaibigan e. Ang dami na ngang utang niyan sa negosyo ko.

“Huh?”

“Sabi ko kumain ka na, nilalangaw na 'yan oh. Ayaw mo ba? Akin nalang,”hays. Kung may gana lang talaga ako kumain, kakain ako.

“Ayoko. Sa'yo nalang kung gusto mo,”sabi ko. Tsaka muling tumingin sa labas. Tanghaling tapat pero madilim sa labas, nakakabingi ang bawat patak ng tubig na nang-gagaling sa langit. Ang lakas ng ulan.

“Hay nako bes. Anong problema natin?”

“Wala.”

“Anong wala? Kilala kita bes. May mga bagay kang nililihim saakin, sabihin mo na. Spill it out.”

“Ikaw na nga ang nagsabi, may mga bagay akong nililihim sa'yo. Edi kapag sinabi ko sa'yo, 'di na lihim 'yon. Tsk,”pang-gagatong ko ng ibang topic.

“Oh, I see, ayaw mong pag-usapan,”sabi niya bago tuluyang kumain muli.

Napatango nalang ako kahit alam kong hindi naman niya nakita. “Tama, ayokong pag-usapan ang tungkol kay Kristian,”bulong ko.

“Pfft! Aaaah!”

Nabaling ang atensyon ko kay Triss. Ang mga pagkain sa bibig niya nagtalsikan sa sobrang gulat ata niya? Kadiri. Eeww!

“Kadiri ka naman bes! Kailangan mo talagang idura? Masarap naman 'yan ah!”pagsasabi ko.

“Did you said, ayaw mong pagusapan amg tungkol kay Kristian? Ibig sabihin ba nito, may nililihim ka saakin na tungkol kay Kristian?”

Busted.

19:22 Time of DeathTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang