Chapter 20

261 18 0
                                    

Triss' Point of View

Hindi ko alam kung paano ako magrereact mula sa nakita ko. Kanina lamang ay may nakasalubong akong wirdong manghuhula na may mga malalalim na salita. At ngayon, bumalik na ang isa sa pinaka-kinatatakutan kong tao.

Ayoko pa sana siyang makita. Hindi ko pa tanggap ang nangyari saamin noon. Hindi ko alam kung paano, pero. . .mukhang hindi ako nananaginip sa mga oras na ito. Basta ang alam ko na lamang ay, nasa harapan siya ng gate ng bahay ko.

"A-anong ginagawa mo dito?" Hindi makapaniwalang sambit ko. Dumistansya ako dahil hindi ko pa siya kayang lapitan.

"Hindi ka ba natutuwa sa pagdating ko?" Sambit nito. Malungkot ang mga mata niya at halatang nadismaya sa tono ng pananalita ko.

"Paano ka nakabalik? Paano ka nakapunta dito?"tanong ko. Dahan-dahan akong humahakbang paurong sa kaniya.

"Well, obviously siguro, sumakay ako ng sasakyan?" Nakangising ani nito. "Babe, hindi mo ba ako namiss? It's been 2 years na," sabi nito. Unti unti na siyang humahakbang patungo sa direksyon ko.

"Halata ba masyadong hindi pa ako handang makita ka?" Napalingon ako sa paligid, walang tao. Kung sakali mang gawin saakin ng lalaking ito ang mga ginawa niya saakin noon, mukhang wala na akong ibang magagawa.

He smirked. "Hanggang ngayon hindi ka parin nagbabago. Kaya nagustuhan kita e, napaka suplada mo. Akala mo ba maganda ka? Kung hindi lang siguro dahil sa pera mo, baka hindi ko na kinailangang gawin yon sa'yo. . ."

"E kaso nabisto ka, paano ba 'yan?" I just ride. Kung hindi ako makikisakay, mukhang dito na matatapos ang buhay ko.

"It's okay. Well, have a pleasant night, Triss. Namiss ko lang ang Babe ko kaya kita pinuntahan dito. By the way, I missed you," nagsimula na siyang maglakad palayo kaya medyo nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

"Michael!" Sigaw ko.

Lumingon siya saakin ng nakangit, "is there something you wanna say like 'I love you 'til now?'" Nakakalokong sambit niya.

"Please don't dare to call me 'Babe' again or I will kick that egg of yours!" Naiinis na sabi ko bago pumasok ng gate, pero narinig ko parin ang huli niyang sinabi.

"Oh how I wish that will happen, tsk!"

--
An : Sa next Chapter si Triss parin :) Thanks for Reading! We'll get back to Jibby after atleast Chapter 22? I don't know, really. Thanks for waiting. Also, I want to take all of you dahil nagrank siya ng #69 in paranormal as of April 1, 2018.

19:22 Time of DeathWhere stories live. Discover now