Chapter 30

209 15 3
                                    

"Tama! Siya nga! Bakit ngayon ko lang naisip!?"

Kanina pa akong parang tangang sigaw ng sigaw dito sa loob ng kotse ko. Siya ng si Kristian! Keco Di Vega. Yun ang una niyang pangalan sa facebook bago ang Kristian Fernad.

Bakit ngayon ko lang naisip!?

Babalik pa sana ako sa loob kaso naisip ko baka maging effortless dahil mamaya wala naman na pala siya. Baka nakauwi na siya. Sinimulan ko ng magdrive ng kotse.

Ang hindi ko lang maisip, iba ang labi niya, iba ang pisngi at ang hugis ng ilong niya. Hindi naman siguro siya nagpa-plastic surgery 'no? Pero anong nangyari? Sabi niya siya daw si Keco, hindi siya si Kristian, at halata naman sa mukha niyang hindi siya ang hinahanap ko.

Pero sa pangalan niyang 'Keco Di Vega' nagdududa ako na baka siya nga 'yon. Nakakainis! Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung sino ba talaga siya! Argh!

Pagdating sa bahay, hinayaan kong humiga ang likod ko sa malambot na kama. Ang dami nanamang nangyari ngayong araw. At ang pinaka-highlight, ay 'yung ngayong gabi.

Tumingin ako sa cellphone ko, to be specific sa oras ng cellphone ko. 9:34 Pm. Ang aga pa naman pala. Pumunta ako sa messages. I-tetext ko si Triss. Wala akong magawa, basta. Hays. Naguguluhan na talaga ako sa bwiset na buhay na 'to.

To : Bes <3
Punta ka dito, over night. Movie marathon tayo.
Sent : 9:36 Pm

Humiga ako ulit sa higaan. Gising pa naman siguro ang isang 'yon 'no? Alam ko namang nagpupuyat siya. Gusto ko lang naman na may karamay dito hindi 'yung ako lang 'yung may problema yeah, ganyan ako ka-tikal.

From : Bes <3
OMG! Ngayon na lang ulit tayo mag-eMM. Buksan mo na 'yung gate! Dalian mo!
Send : 9:40 Pm

Pumunta agad ako sa baba. Bumungad saakin ang babaeng madaming hawak na paper bags. Halatang namili pa siya. Don't ask kung paano. 4 minutes after kong magtext nandito na agad siya.

Totoo ngang sa kaniya nararapat ang kantang I'm only one text away. Text kasi hindi ko naman siya tinawagan.

But there's something wrong sa mukha niya.

"Anong nangyari sa'yo?"

19:22 Time of DeathWhere stories live. Discover now