Chapter 10

332 20 3
                                    

Quite. Tumahimik ang atmosphere. He chatted me again. Hindi siya tumitigil. And that day, hindi ko na nakalimutan 'yon. I just stood up and fix myself. Papasok ako sa Resto ngayon, just to forget about that Chat.

—-—-—

“Good morning Ma'am!”

“Good morning po!”

“Magandang umaga Ma'am!”

I like the atmosphere here. Better than in the house. Na-ccreep out na ako sa chat no'ng poser na 'yon. Kung bakit ba kasi si Kristian pa ang ginamit niyang pangalan. Nakakainis!

I just smile sa mga chefs ko. Tinago ko nalang muna pansamantala ang nararamdaman ko. Although mukang halata naman yata dahil sa mga malamlam kong mata. Hindi ko nalang pinansin ang iniisip ko. Basta, bahala na.

Hindi naman ako pinapansin ng mga Chefs na nadadaanan ko dahil abala sila sa mga customers. Sila Mama at Papa kasi nasa States pa hanggang ngayon, nando'n kasi ang Unang branch ng Restaurant na 'to.

Pumasok ako sa kung saan nagluluto ang mga Chefs ko. Abala ang lahat. Ang bango dito, amoy mayonaise, gulay, mga pampalasa. At syempre, ang mga secret recipe para manatiling bukas ang Resto na negosyo ng pamilya namin.

Tumingin ako sa salamin sa pintuan. Tinignan ko kung gaano kadami ang customers dito. And as usual, kahit maaga palang—8:16am to be exact—madami na agad ang nandito para sa agahan nila.

'Yung iba ay mabilisan kumain dahil late na sa trabaho at pasok. Ang iba naman ay malumanay at nakikipagusap sa mga kasama. Ninanamnam ang bawat tikim sa mga pagkain na nasa harapan nila.

Pero hindi lang ang mga taong kumakain ang napansin ko. May tao akong napansin sa labas ng restaurant, nasa labas siya ng glass door. Nakahawak siya sa kaniyang tiyan at nakatingin sa mga kumakain. Nakakaawa naman.

“Chef Balmes, ipaghanda mo nga ako ng spaghetti at juice, madali!”utos ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil alam ko naman na agad itong kumilos.

Ilang segundo lang, inabot ni Balmes ang Plato ng spaghetti na maayos na maayos ang pagkakaprepare. Sa kanang kamay ko ito hinawakan, at sa kaliwa naman ang Juice na pinagawa ko.

Lumabas ako sa Kusina at lumabas sa restaurant. Umurong ang matandang babae na kanina'y nakatingin sa glass door. “Teka ho, hindi ko po kayo sasaktan. Ahm... Heto ho, may pagkain po ako para sa inyo,”nagagalak kong sabi sa kaniya.

“Para saakin?”nagugulumihanan niyang tanong.

“Oho, heto po. Gusto niyo po bang pumasok muna sa loob?”tanong ko sa matandang babae.

Inabot niya ang plato at agad na umiling. “Nako iha, hindi na. Salamat sa iyo at sa pagkain. Matagal na akong hindi nakakakain ng ganito. Lagi lang akong nakamasid sa magandang restaurant na ito. Akala ko hindi na ako makakakain dito. Tatlong araw na din kasi akong hindi kumakain,”aniya sabay subo ng pagkain.

Natuwa naman ako at parang biglang iiyak sa sobrang galak na nakatulong ako sa kapwa. Habang nakain 'yung matandang babae, isang lalaki ang nakita ko mula sa malapit. Siguro mga 100 meters ang layo niya mula saakin.

At hindi ako pwedeng magkamali kung sino ito. Mula ngiti, mata at hubog ng katawan. Siyang-siya 'yon. Ang lalaking nakita ko ilang buwan na ang nakakalipas.

“Kristian?”

-—-—-
AN: Sorry kung ngayon lang nakapag-Update, alam niyo naman na halos gabi ang updates ko lalo na kapag sinipag. Kaya ayan, ngayon lang nakabawi. Btw, may exam sa wednesday-friday kaya baka saturday na ang ibang updates. Salamat sa pagbabasa.

Comment naman kayo :)

19:22 Time of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon