Chapter 29

217 20 7
                                    

Sabi na. Hindi niya ako nakalimutan. Hinding hindi niya ako makakalimutan. Agad akong napatingin sa mga mata niya.

"Sabi na nga ba" namamalat kong sabi. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. "Sabi ko na nga ba't hindI mo ako makakalimutan. Namiss kita," bulong ko sa tenga niya.

"Wait. Jibby right?" Tinanggal ko ang pag-aakap ko sa kaniya.

"Hay nako Kristian! Nabuking ka na!" Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko. Inaasahan kong tatawa siya dahil nabuking ko siya, pero bakas parin sa mga mata niya na wala siyang alam.

Bumilis muli ang tibok ng puso ko. Mabuti nalang at nawala na ang mga taong nakatingin saamin kanina.

"Kristian? Who's that? Miss, Sorry to break your scene but, My name is Keco. Keco DI Vega," sabi niya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Halo-halo. Kanina saya at kaba. Ngayon, kaba at gulo. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano. "Pero hindi ako puwedeng magkamali, ikaw si Kristian! Alam na alam ko ang mata mo!"

Tinanggal niya ang Mask niya. Hindi gaanong mapula ang labi niya, hindi matangos at hindi rin pango, tama lang. "I will repeat, Miss Jibby? My name is Keco. Keco Di Vega. Thank you for the seat," sabi niya.

Kinuha na niya ang tray na hawak niya at umalis.

Nakakahiya.

Namula ang mukha ko at nakaramdam ako ng hiya. Ang bobo ko! Nakakahiya! Gusto ko ng magpalamon sa lupa. Gusto ko ng umalis. Gusto kong magtakip ng mukha, at gusto kong. . .gusto ko ng mawala.

Agad akong umalis sa SM at pumuntang parking lot. Hindi siya si Kristian. Pero nag-chat saakin si Kristian. Sinabi niya kung pwede bang umupo. Hindi kaya nagbibiro lang ang isang 'yon?

Pero hindi. Nakita ko ang itsura niya. Hindi siya si Kristian.

Hindi kaya siya talaga ang may pen name na Kristian pero Keco talaga ang pangalan niya?

Sumakay ako sa kotse ko. Hindi ko muna ito pinaandar. Keco. Keco Di Vega. Keco Di Vega?

"KECO DI VEGA!?"

--

19:22 Time of DeathWhere stories live. Discover now