Chapter 37

214 11 0
                                    

Mas lalo akong kinabahan. Alam kong hindi na si Triss ang nagsend saakin ng message na iyon. Mukhang totoo nga ang sinabi ni Cath. Mukhang nasa panganib na nga ang buhay ni Triss.

Mabilis kong minaneho ang kotse. Halos kasing bilis ko na ang racecar at daig ko pa ang motor kung simingit sa kalsada. Hindi ko na muna iisipin ang mga sinabi ni Cath. Mukhang lalong gumugulo ang utak ko kapag naaalala ko ang mga sinabi niya.

Dumating ako sa bahay nila. Tahimik dito. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsama ng tao o pulis dahil baka mamaya tao pala ang tinutukoy ni Cath na kamatayan.

Pero hindi na siguro.

Naglakas loob akong pumasok sa nakabukas na gate ni Triss. Mas lalo akong kinakabahan at nanginginig kapag dumadampi sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin.

Halatang may pumasok na sa loob nito dahil hindi naman iniiwan ni Triss na bukas ang gate at ang pintuan ng bahay niya. Agad akong pumasok sa bahay niya. Hindi alintana kung may tao ba sa loob na baka bigla nalang akong dambahin ng saksak o ng bala.

Pero nagiingat ako sa bawat pag-hakbang ko. Madilim sa unang palapag. Wala ka talagang makikita. Buti nalang may ilaw ang kusina sa dulong bahagi ng bahay.

Nakarinig ako ng kaluskos sa ikalawang palapag, kaya dahan-dahan akong umakyat paitaas. Mas malawak dito sa taas. Mas mahaba ang korido, at tanging dalawang kwarto ang meron.

Hindi pa man ako nakakaabot sa unang pintuan nang makarinig ako ng bulong.

"Nasa ikalawang pintuan. May hawak siyang baril. Natutulog siya."

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang bulong, pero nasisigurado kong boses ito ng matalik kong kababata. "Salamat," bulong ko. May napansin akong baseball bat sa gilid ng sahig.

Mas mabuti na ang handa kaya kinuha ko iyon. Agad akong nagtungo sa ikalawang kwarto. Medyo malayo ito.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto. Hindi ko makita kung ilan ang nasa loob. Pero nakakita ako ng isang upuan sa dulo ng kwarto. May nakaupo ditong babae. Duguan ang mukha nito at halata ang namumugtong mga mata.

"Bes."

19:22 Time of DeathWhere stories live. Discover now