Chapter 05

437 29 5
                                    

“A-ah, W-wala!”pag-tutol ko. “Kumain ka na nga lang diyan.”

Hindi naman na siya nangulit at kumain na lamang. Pero nakikita ko parin sa peripheral vision ko na minsa'y tumitingin siya saakin.

Pagkatapos naming kumain—I mean niyang kumain, wala kasi akong gana—umuwi na kaagad ako sa bahay. Bukas pa ang restaurant. Sabado kase ngayon at hanggang 9pm pa ang sarado no'n.

Hindi ako gano'n kaabala sa restaurant. Alam ko naman na responsable ang mga chefs at staffs ko.

Pumunta na ako kaagad sa kuwarto para maligo. Nando'n kasi ang banyo. Sarili kong banyo. Ayoko kasi na tatayo pa sa umaga para lang bumaba papuntang banyo, kaya ayun. Kumuha ako ng bahay na may banyo na sa kwarto.

Naligo ako saglit. Pagkatapos ay nagpatuyo ng buhok bago tumalon sa kama. Anong oras na kaya? Tumingin ako sa alarm clock sa tabi ng kama ko. 10:19 Pm. Gabi na, malalim na ang dilim.

10:19. Ewan ko ba kung nang-aasar ba si Tadhana. Sa dinami-dami ng oras, 'yan pa ang nakita ko. Every 10:19, isang taong nag-papanggap ang kausap ko sa chat. Every 10:19, inaabangan ko siya.

Pero ngayon, wala na siya. Wala na nga ba? Hay. Heto nanaman ako sa topic na 'to. Sinabi ko na sa isip ko na hindi ko na siya iisipin e. Hindi ko na kasi alam kung anong tama. Ang buhay pa ba siya o ang wala na siya.

Kinuha ko muna ang laptop ko at nag-online sa facebook. Bumungad kaahad saakin ang mga notifications galing sa mga kaibigan ko at kay Triss. Pero isa lang ang naka-agaw ng atensyon ko sa lahat ng bumungad saakin sa facebook.

Ang isang message request. Nag-iisa lang siya at parang talagang nagpapapansin. Binuksan ko ito, pero kagaya ng mga naunang araw, siya nanaman.

7:22 Pm

Kristian: I-accept mo na ang request ko Jibby.

-—-—-—-
AN: Guys nagugustuhan niyo po ba ang story? Feedback naman! Haha. Well, kung maigsi ang chapter, mahaba naman ang plot kaya asahan na mahaba pa ang storya.
Dedicated to : Yixuan__Uniq (Lagi ka atang online?)

19:22 Time of DeathWhere stories live. Discover now