Chapter 18

260 19 0
                                    

Triss' Point of View

Alam ko ang nakita ko. Hindi naman gano'n kalabo ang mga mata ko para hindi makita ang lalaking 'yon. Lalong tumaas ang mga balahibo ko sa katawan ng maalala ko ang mangyari kanina.

"Buti naman at nakalabas na ako sa ospital! Ang gulo at ang ingay do'n,"inis na sabi ni Jimelyn habang tumitingin-tingin sa labas ng bintana ng kotse.

"Maingay? Do you call crying person Noisy? Grabe, ikaw ba naman magkasakit, masaksak, mabaril at kung anu-ano pa, hindi ka iiyak ng ganon kalakas?"I said. At sinabayan ko pa ng maarteng hand gestures.

"No! Not that. Ang sinasabi kong magulo is 'yung mga PDA na mga nurse sa loob ng ospital, at 'yung tinutukoy kong maingay, 'yung nag P-page!"pagtatangol niya sa sarili.

May biglang mabilis na lalaking tumakbo patawid ng kalsada. Nakasoot siya ng barong, and it's kinda weird na hindi ko naaninag ang mukha niya. Narinig ko ang pag-daing ni Bes.

"Ay, sorry! Napalakas ata,"naka-peace sign ako. Sinamaan naman niya ako ng tingin. "E may tumawid kasing lalaki e,"sabi ko.

Nakahawak siya sa noo niya. "Lalaki? Wala naman akong nakitang tumawid na lalaki,"sabi niya habang hanap parin ng hanap sa kalsada.

"Wala ba? Hay nako bes. Joben ka talaga. Meron kaya. Nakasoot pa nga ng--- Wait. Bes tell me this is just a dream,"biglang nanlaki ang mga mata ni ko ng maalala ko ang suot niya.

"Ano?"

"Nakasuot siya ng barong na pangpatay."

HindI parin ako makatulog. 11 pm na. Minabuti kong lumabas nalang muna ng bahay at magpalamig sa park. Wala ng gaanong tao sa kalsada dahik nga dis oras na ng gabi. Ang mga naglalakad nalang ay 'yung mga taong may insomia.

Nakayuko akong naglalakad. Mabagal ang pag-galaw ng mga paa ko't parang bigat na bigat. Kinakabahan ako. Bakit ako lang ang nakakita sa lalaking nakabarong? Bakit hindi nakita ni Bes 'yon?

May nakaaway ba akong Mumu?

"Aray!"

--
Abdiel_25
Insomia - Hindi kaagad nakakatulog sa gabi. Next chapter po pala ay kay Triss padin. Hmm? Sino kaya 'yung umaray? Please do read next chapter! Thanks for Reading. . .

19:22 Time of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon