Chapter 13

305 22 1
                                    

"Kamusta na siya?"

"Sabi ng doktor okay naman na daw po siya."

"Ano bang nangyari kay Bes?"

"Bigla nalang po siyang bumagsak sa sahig. Buti nalang po talaga nasalo ko siya at hindi napuruhan ang ulo niya."

Nagising ako sa isang maliwanag na silid. All white. Narinig ko ang boses ni Triss, ang kaibigan ko at si Fiona, isa sa mga Chef's ko. "A-anong nangyari?"utal kong tanong habang nakatingin sa gilid ko kung saan sila nakaupo sa sofa.

"Oh thanks! Gising ka na Bes!"magiliw na bati ni Triss saakin. "Sabi kasi ni Fiona, bigla ka nalang daw nahulog sa sahig. Buti nga't nasalo ka nitong si Fiona, kung hindi. . ."kunwari'y hiniwa niya ang leeg niya, ". . .tigok ka na."

"Ano po bang nararamdaman niyo? May sakit po ba kayo Ma'am?"tanong ni Fiona saakin.

"W-wala,"sabi ko. Naalala ko na kung bakit. "Ah, Fiona. Pwede mo ba muna kaming iwanan ni Triss? Saglit lang,"sabi ko sa kaniya.

"O-okay po Ma'am, No problem,"sabi niya. Naglakad siya palabas ng kwarto. Naiwan kami ni Triss.

"Triss, si Kristian,"takot na takot na sabi ko.

"Oh? Ano nanamang tungkol sa namayapa mong kababata?"tanong ni Triss.

"Nag-chat siya bago ako mawalan ng malay,"sabi ko.

"Paano nangyari 'yun? Bes, hindi ka naman siguro gutom or kung ano man? Patay na si Kristian, nakita ko pa in my two eyes," sabi nito. Kinapa ko ang bulsa ko.

"Where my phone?" Tanong ko.

"Here,"binigay niya ang phone ko. Nag open ako ng data at binuksan ang messenger ko. Pinakita ko sa kaniya ang message saakin ng may name na 'Kristian' bago ako mahimatay.

Kahit siya ay nagulat, kitang kita sa mga mata niya ang reaksyon. "Bes? HindI kaya minumulto ka ni Kristian?" Natatakot na tanong nito.

"Pero bakit?"

--

19:22 Time of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon