Chapter 17

258 19 8
                                    

Pumasok na ako sa kwarto ko't nahiga. This day is a very long day. Bukas, aagahan ko ang pagpasok sa Restaurant. Bukas kasi ako makikipag-usap sa kliyente na kukuhain kami para sa debut niya.

Naalala ko 'yung lalaking nakaharap ko kanina. Nakacap siya, t-shirt at maong na pantalon. Hindi naman siya mukhang masamang tao pero kasi, sa panahon ngayon, kung sino pa ang mukhang anghel siya pa ang masama.

Nag-vibrate ang cellphone ko. I look at the message. Galing ito kay Triss.

From: Bes
Mag-iingat ka Bes. Kung nakita ko siya kanina, malamang makikita mo din siya.
Sent: 11:34 Pm

Ano ba talagang nangyayari sa kaniya. Parang kanina lang sa ospital ang gaan ng pakiramdam. Natatawa pa nga ako sa mga korni niyang banat. Ano nga ba talagang nangyari sa kaibigan ko?

Nag-'Pok' 'yung cellphone ko. Isang mensahe ang natanggap ko mula sa messenger. Hindi ito galing kay Triss. Galing ito sa nag-ngangalang Kristian.

11:36 Pm
Kristian : So? She saw me.

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Ibig sabihin---! Hindi. Malamang nagsisinungaling ang taong 'to. Kaagad akong nag-reply sa kaniya.

11:37 Pm
Jimelyn: I don't know you Bastard! Can you please don't chat me again? Muntik na akong mamatay dahil sa kagagawan mo!

Ilang minuto pa. . .

10:39 Pm
Kristian: Hindi mo ba matanggap na buhay ako? 'Wag ka maniwala sa Kaibigan mong si Triss. 'Di niya ako nakita ng naconfine ako.

Wait!? Parang ang gulo? Kanina sabi niya, nakita daw siya ni Triss. Pero wala naman akong nakitang tumawid kanina. Pero kung nakita nga siya ni Triss at ako hindi, ibig sabihin ba nito nagpaparamdam siya kay Triss dahil---dahil hindi siya pinuntahan nito ng naconfine siya?

Pero---bakit siya magpapakita kung buhay pa siya? Ba't siya magpapakita kay Triss at saakin hindi gayong mas miss ko siya. Hindi na ako nag-abala pang magreply sa kaniya. Mukha ngang baliw ang nasa likod ng facebook account na 'yan.

Mukha ngang kalokohan ang alam. Pero alam niya ang mga nangyayari saakin. Hindi kaya stalker ko siya? Biglang pumasok sa isip ko 'yung lalaki kanina na makaengkwentro ko sa labas ng bahay.

Hindi kaya?

Kuso!

--
Abdiel_25
The story is just starting. More revelations will reveal. Ang next chapter ay Point of View po ni Triss, ang kaibigan ni Jimelyn. Kuso - Shit (Japanese). Uhm, siguro aabot ang Story hanggang Chapter 40? But, depends. Thanks for reading!

19:22 Time of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon