Chapter 32

224 14 1
                                    

Marami kaming pinanuod. Ayaw manood ni Triss ng horror at suspense kaya nauwi kami sa Rom-Com. At syempre, hindi na mawawala ang K-Drama. Ewan ko ba dito kay Triss, hindi ko talaga maintindihan.

Dati mas gusto niyang nanunuod ng Horror kapag nag-oover night siya dito sa bahay. Pero ngayon ayaw niya. Siguro dahil sa nangyari sa kaniya kanina?

Sa totoo lang, wala naman talaga akong naintindihan sa pinapanood namin ngayon. Ang iniintindi ko ang mga katanungang gusto kong bigyan ng kasagutan. Nang sa gano'n, atleast malinawan man lang ako.

Ang daming tanong na parang bulang bigla bigla nalang mag-papop sa ulo ko. Gaya ng, Si Keco ba ay si Kristian o Hindi? Bakit kay Triss nagpapakita si Kristian? Kung nagpakita kay Triss si Kristian, ibig sabihin si Keco ay Hindi talaga si Kristian?

Iniisip kong mabuti ang pangatlong tanong ko. Kung nakita kanina ni Triss si Kristian, ibig sabihin nagkamali nga lang ako na si Keco at si Kristian ay iisa?

Pero co-incidence lang ba na kapangalang-kapangalan ng Keco na 'yun ang first name ni Kristian sa Facebook?

"----abe nakakakilig talaga silang dalawa! Putek! Waaaah!" Biglang nagbalik sa katawang lupa ko ang kaluluwa ko nang marinig ko ang mga tili ni Bes.

Parang kanina lang, ang weird at creepy niyang kumilos. Gano'n ba talaga ka-moody ang kaibigan kong 'to kaya siya ganiyan?

"Bes?" Tinawag niya ako. Napalingon naman ako sa kaniya.

"Oh?" Kumuha ako ng Martys. Kulay red kaya ang sarap kahit maanghang. "Wala akong pera kung binabalak mo," sabi ko. Tumawa lang siya ng mahina.

"Hindi ako mang-uutang, kelan ba ako umutang sa'yo? Baka ikaw pa nga umutang saakin e," yabang talaga.

"Kelan? Ah. Simulan natin nung pinalayas ka sa bahay niyo, nung pasko, nung new year, nung valentines. Tuwing may okasyon yata may ut---"napahinto ako sa sasabihin nang lumingon ako sa kaniya.

Humihikbi siya.

19:22 Time of DeathWhere stories live. Discover now