Chapter 09

344 27 9
                                    

“Bes!? Bes!”

“Ma'am?”

Hindi ko alam kung talaga bang nang-aasar ang tadhana, pero hindi ako pwedeng magkamali. Nakita ko nanaman siya. Bakit? Bakit ka nagpapakita Kristian?

Sa lahat ng nangyari, ngayon alam ko na. Hindi siya totoo. Wala na nga siya. Pero damn! Bakit feeling ko buhay pa siya? Dahil ba lagi siyang nagpapakita saakin?

“Anong nangyari Bes?”nabalik ako sa ulirat ng alugin ni Triss 'yong balikat ko. Napalingon ako sa kaniya at gumawa ng maliit na ngiti. Binalik ko ang tingin ko sa pizza guy.

“Sorry po, n-nagulat lang. I-ito po ang bayad,”palusot ko. Inabot ko sa kaniya ang bayad. Nawiwirdohan man ay ngumiti padin siya. Inabot niya saakin ang dalawang box ng pizza.

Hinantay ko lang siya na umalis bago ko isaradong muli ang gate. Akmang hahakbang na ako ng makita ko si Triss sa harapan ko. Naka-pameywang siya at parang may inaalam na kung ano saakin.

“Anong nangyari?”tanong nito.

Napakunot naman ako ng noo, “Huh?”naguguluhang tanong ko. Hinawakan niya ako sa dalawang balikat ko at nilapit sa kaniya. She's scanning me. Uh! Hindi 'yan titigil.

“Bakit ka tumili kanina?”

“W-wala!”I denied. Tinanggal ko ang mga kamay niya sa balikat ko at nilagpasan siya. Ayoko sabihin, alam kong hindi siya maniniwala. Lalo lang akong maguguluhan kapag sinabi ko pa.

Pumasok na ako sa loob at dumaretso sa kusina. Kumuha ako ng gunting para gupiting ang tali ng box. Naramdaman ko naman ang prisensya ni Triss. Sana naman tumigil na siya. Nagugulumihanan na ako.

“Kain na,”I make a smile. Kumuha na ako ng slice ng pizza at kinain 'yon. “'Wag ka na mahiya Bes. Alam kong patay-gutom ka pagdating sa Pizza,”panloloko ko.

Inirapan lang niya ako bago kumuha ng slice ng pizza bago umupo. “Nevermind,”bulong niya sabay subo ng pizza. Tsk. Kakain din naman pala.

—-—

“Bye!”ani ko. Grabe, 'di ko manlang namalayan na 11 am na. 3 am na kase kami nakatulog ni Triss kagabi. Nanood pa kami ng Wonder Woman. Kumaway naman siya bago sumakay ng tricycle.

Ayaw niya na ihatid ko siya. Mas gusto daw niyang mag-commute. She's insane. Mas gusto pa niyang gumastos. Well, it's none of my business.

Sinarado ko na ang gate at pumasok sa loob. Mamaya na ako papasok. Hapon nalang. Sure naman ako na okay lang ang resto.

Umakyat ako sa kwarto. At nagcellphone. I open my facebook account. Grabe, kahit tumigil na ako sa pag-aartista, ang dami paring nag-papa-add friend saakin.

Message Request (89)

Hindi ko alam pero bigla kong napindot 'yon. At nakuha naman ng isang Kristian Di Vega ang atensyon ko.

7:22 am

Kristian: Enjoyed the Pizza?

—-—
AN: Last UD ko Aug. 13 pa, kaya sorry! Pipilitin ko pong magUD ng mas mabilis. Salamat sa paghihintay ng update!

19:22 Time of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon