Chapter 36

226 15 7
                                    

Nagpatay sindi ang ilaw. Nakakatakot na talaga. Ano bang nangyayari?

Dinilat ni Cath ang mga mata niya at tumayo. "Nakilala mo na siya," sabi nito. "Kachat mo? O baka naman ibang tao ang kachat mo," sabi nito.

"Kilala mo ba kung sino?" Tanong ko dito.

"Hindi. Pero malamang, ikaw. Kilala mo. Balikan mo ang nakaraan mo. Ang mga pangalan, ang lugar kung saan kayo huling nagkita, ang mga tauhan, at ang mga bagay na nakita mo, maaaring isa doon ang nagtuturo kung sino talaga ang kachat mo."

Tumayo na si Fiona. "Cath! Ano ba 'yan. Ginamit mo nanaman ba ang panghuhula? Lagot ka nanaman sa mama mo!" Sambit nito. Hinawakan niya sa braso si Cath bago tumingin saakin. "Sorry po sa abala Ma'am Jimelyn, mauna na po kami."

Naglakad sila palabas. Sinundan ko sila. Tumingin saakin si Cath.

"Keco and Kristian is not same, your personal messenger chatmate is Unknown."

Hindi ko maintindihan. Anong sabi niya? Paano niya nakilala si Keco? Ibig sabihin, si Keco at si Kristian ay hindi iisa? At hindi kilala kung sino ang kachat ko? Ang gulo ni Cath.

Sabi niya saakin kanina, kilala ko daw. Tapos ngayon naman unknown. . .? Teka. Tumingin ako sa kung saan dumaan sila Cath. Wala na sila. Sinabi niya saakin kanina na si Kamatayan ay dadating?

At ang kaibigan ko ay nasa panganib? Hindi ko talaga alam kung paano pag-kokonektahin ang lahat ng sinabi niya. Sinabi niya na ang 'Dumating na' ay si Kristian. At ang dadating pa ay si Kamatayan.

Posible kayang tinatakot lang ako ni Cath?

Pero hindi e. Sincere lahat ng sinabi niya.

Wait. Kung nasa panganib ang buhay ni Triss, ibig sabihin dumating na si Kamatayan? Pero bakit naman si Triss ang pupuntiryahin ni Kamatayan?

Agad akong nagbihis at lumabas ng bahay. Nagvibrate ang cellphone ko.

From : Fiona
Si Cath 'to. Hindi malinaw ang nakita ko pero binigay ko na ang pangalan ng kachat mo. Two seats.
Send : 11:06 Pm

Ha? Ano daw? Binigay niya ang pangalan ng kachat ko? Sino? E dalawang pangalan lang naman ang binanggit niya saakin kanina. Keco at Kristian. Sino sa dalawa? Two seat apart? Anong connect?

Jeez. Ang gulo. Sinabi niya din saakin kanina na, "Kachat, o baka iba ang kachat?" --'diba? Ibig sabihin. Si Keco at Si Kristian lang ang pagpipilian.

Two seat apart. Siguradong may konek 'yun dahil hindi niya ilalagay sa tezt 'yun kung wala lang. Sumakay ako sa kotse ko at nagtungo na sa bahay ni Triss.

Kung totoo ngang nasa panganib si Triss, kailangan ko siyang Iligtas.

Nagvibrate muli ang phone ko.

From : Bes <3
Bilisan mo, baka hindi mo na siya maabutan.

19:22 Time of DeathWhere stories live. Discover now