Chapter XLVII

2.2K 154 99
                                    

NATALIA

Dahil sa matinding pag-aalala ay mabilis akong nakatabi kay Eiveren at sinubukan siyang gisingin. Nakakailang tawag na ako sa kanyang pangalan ngunit patuloy pa rin siya sa pagmamakaawa. Walang ibang namumutawi sa kanyang bibig kundi pakiusap. Patuloy siya sa kanyang pagpupumiglas, waring may nais habulin ngunit parang may malakas na pwersang pumipigil sa kanya.

Kung anuman ang nasa panaginip niya ay dinadalangin kong mahinto na ito. Tumatagaktak ang pawis sa kanyang noo kasabay ng kanyang pagluha. Nasasaktan siya. Oo, lumuluha siya at nadudurog ang puso ko sa bawat segundong nagdaraan.

"No," he gasps, "not Natalia," he begs, "please, please, please..." saglit akong natigil at napatitig sa kanya. Sumidhi ang pag-aalala ko, trumiple ang tibok ng puso ko. He is calling my name like someone is about to take me away from him.

"Eiveren!" I started to shake his shoulders violently. "Eiveren!" Nilalamon na siya ng bangungot niya. "Eiveren, wake up!"

Sa puntong 'to ay bumukas ang kanyang mga mata, taas-baba ang kanyang dibdib, naghahabol ng hininga. Nilibot-libot niya ang kanyang tingin, pinapamilyaran ang lugar na kinalalagyan niya ngayon. Tinangka kong gumalaw upang kumuha ng tubig ngunit mabilis niyang nahawakan ang kamay ko.

"Natalia?" tanong niya. Garalgal ang kanyang tinig at nang tumugon ako gamit ang pagtawag sa pangalan niya'y tahimik na siyang humagulgol. "It's just...it's just..."

My eyes blurred with tears, I never saw Eiveren this way.

"Nightmare," pagtatapos ko para sa kanya. Marahan akong kumalas sa mahigpit niyang pagkakahawaK upang masalinan siya ng tubig. "Here," inabot ko sa kanya ito. Bumangon siya't tinanggap ang baso ngunit, ikinulong niya ang kamay ko rito bago nagsimulang uminom.

Nakatuon ang buong atensyon niya sa'kin, hindi siya kumukurap na para bang sa isang paggawa lang niya nito ay maglalaho na ako.

"I'm okay," I murmured reassuringly as I felt the rush of hot liquid travel on the both side of my cheeks. "You're just dreaming."

"You're here," usal niya matapos kong ilapag ang baso sa bedside table. Hinila niya 'ko palapit sa kanya upang hawakan ang aking pisngi, haplosin ang aking leeg, "You're here," pisilin ang aking balikat, "You're here," halikan ang aking kamay, sinisiguradong hindi ako aparisyon, sinisiguradong hindi siya niloloko ng kanyang mga mata, sinisigurado na wala na siya sa kulungan ng kanyang bangungot. "God, you're here." Sunod-sunod na tango lamang ang kaya kong isagot, kapwa kami lumuluha ng tahimik.

Ano na lamang kung hindi ako tumakas upang makita siya rito? Magigising na naman siya ng mag-isa. Walang yayakap sa kanya, walang magpapatahan sa kanya, walang pupunas ng luha niya.

"What time is it?" tanong niya't tuluyan na 'kong hinila at ikinulong sa kanyang bisig.

"I dunno," I don't care, dagdag pa ng isip ko. Niyakap ko siya pabalik ng mahigpit. "You are still having this..."

He nods, understanding my silent query. "Though my nights were peaceful lately," he gazes down at me, the concern and tenderness is etch on his beautiful face. "But," his adams apple went up and down. Mukhang hindi niya kayang tapusin ang kanyang pangungusap. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at mataman siyang tiningnan, sinusubukan siyang bigyan ng sapat na lakas ng loob upang ibahagi kung ano ang nasa isip niya.

"It's okay," I urged, "I will listen." I smiled reassuringly at him.

"My nightmares," umiwas siya ng tingin sa'kin. Umusog siya at sinandal ang kanyang likod sa headboard ng kanyang kama, alam kong pilit niyang pinakakalma ang kanyang sarili. "Come here," sumenyas siyang tumabi ako sa kanya at mabilis naman akong tumalima, "My nightmares," he attempted to begin again and grabs my hand, intertwining our fingertips. "Your father's going to kill me," pag-iiba niya.

Kiss and RunWhere stories live. Discover now