Chapter XXIX

2.1K 173 60
                                    

NATALIA

"Natalia,"rinig kong tawag sa'kin nila papa at ate, kapwa nag-aalala.

"I need to be alone," tinangka kong tumayo ngunit sadya talagang nanghihina ang tuhod ko kung kaya't napabalik akong muli sa pagkakaupo. Tila naubos talaga ang lakas ko dahil sa mga nangyari. Hindi ko inaasahang mangyari.

"Samahan na kita," ani ni ate at hinawakan na ang braso ko. Pilit akong ngumiti sa kanya at umusal ng mahinang pasasalamat. Tinanguan ko rin si papa, bakas na bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. I know saying this won't make sense 'cause I'm clearly not okay but, "Don't worry," I whispered and began my little journey, limply walking up the stairs. I felt my sister's arm wrap tightly around my shoulders, supporting me.

Bago pa kami makapasok sa opisina ay nakita namin si Cuddly at Fluffy sa'ming paanan, tahimik kaming sinusundan.

Malungkot akong napangiti. "Why you're still here?" tanong ko kay Cuddly, garalgal na naman ang tinig. Nang marinig ko ang pagtugon ng pusa, na para bang nagtatanong kung ano ang nangyari sa'kin, kung ayos lang ba ako, ay muli na namang bumuhos ang luha ko. "I'm fine," binitbit ko siya't niyakap at tahimik na humikbi. "I'm fine," sambit ko pang muli.

"Natalia," tawag ni ate. I really hate that I'm affecting my family with my current state. I wish I am strong like my sister. "You're not you. Hindi ako sanay. Hala, tignan mo pa," inangat ko ang aking ulo mula sa pagkakatago kay Cuddly at lumingon muli sa baba.

"Oh," I sobs. Fluffy is sitting quietly in front of my feet, looking at me sideways and to my surprise, she poked her pretty little paw at me, like she's seeking for my attention. "Totoo ba 'to?" nakanguso kong sambit habang pinupunasan ang aking luha. "Nagpapansin talaga siya sa'kin ngayon?" tumango si ate, nangingiti habang ang kanyang luha ay tuluyan nang sumilay. Pinakawalan ko si Cuddly at umupo upang lumibel sa kanilang dalawa.

I slowly extendeded my hand to reach the untamable beast on earth—Fluffy. Once again, she surprised me by taking a step forward, finally giving my hand and her head their first contact. Wow. Success. I'm supposed to be happy or anything related but I felt none. and it breaks me.

God, I think Eiveren just took my happiness.

"Meow," came from Fluffy, she felt pity for me, I think.

"Kainis naman, eh." Tuluyan ko nang dinala si Fluffy sa bisig ko. "Bakit ngayon lang?" Mahina kong tanong, napaupo na sa lapag, ang aking likod ay nakasandal sa pintuan ng opisina. "Bakit ngayon lang kasi?" Kausap ko sa kanya, hinayaang umupo ang pusa sa kandungan ko. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking palad para humikbi lang nang humikbi. "Bakit? Hindi ba 'ko mapagkakatiwalaan?" Pinunasan ko ang aking luha't tumingin sa dalawang pusa, "Saan ba 'ko lulugar? Bakit ang sakit?" Kapwa lamang sila lumikha ng tunog, lumapit sa'kin at kapwa na inidinukdok ang kanilang ulo sa tiyan ko, na para bang pinapatahan ako. "Bakit?" Mahina kong tanong, na para bang nanunumbat sa may-akda ng kwento ko.

"Natalia," nag-aalalang bulong ni ate't tumabi sa'kin upang yakapin ako. "Life has its own cruel way of giving lessons."

"I suddenly hate Life right now," mukmok ko habang hinahaplos ang mga pusa. "I hate you," bulong ko, hindi ko na alam kung para kay Eiveren o para sa sitwasyon ko ngayon.

"Bakit nga pala nandito pa 'to?" nagtatakang tanong ni ate, tinutukoy si Cuddly.

"Exactly what I'm thinking." Binitbit ko si Cuddly at tumayo na. Baka kasi kanina pa siya hinahanap ng amo niya.

"Gusto mo ba na ako na lang ang mag-abot?" Suhestisyon ni ate nang magsimula na 'kong humakabang pababa. Napansin kong nakabuntot na rin sa'kin si Fluffy. Umarko ang kilay ko dahil sa ikinikilos ng pusang 'to. "She seems jealous, Nat," tukoy niya kay Fluffy.

Kiss and RunWhere stories live. Discover now