Chapter XXIII

2.2K 200 84
                                    

NATALIA

Tahimik akong sumubo ng pagkain habang ang mga mata ko'y nakapako kay Eiveren. Seryosong-seryoso ang ekspresyon niya.

"Hindi mo ba 'ko kakausapin?" Nagtatampong tanong ko. Hindi siya sumagot, ang kanyang tingin ay nakapako lamang sa cellphone niya habang ang kanyang bibig ay abala pa sa pagnguya. Ganito na siya simula nang pumasok ako rito sa opisina niya. "So, ganito ka mag-lunch break araw-araw?" Iniangat niya ang tingin sa'kin at nagkibit-balikat. Sinipat niyang sunod ang kanyang relo.

"I have to go," sambit niya. Napaupo ako ng tuwid nang tumayo na siya.

"Teka!" Pigil ko. "Hindi mo pa nauubos ang pagkain mo." Hinawakan ko ang kanyang kamay upang pabalikin siya sa pagkakaupo ngunit hindi siya nagpatinag.

"I have important matters to attend," paliwanag niya. "Finish your food and I'll ask someone to drive you back in Efflorescence." Nakasubo pa ako ng dalawang sunod-sunod bago siya nakahakbang ng isa.

"Wait!" Mabilis 'kong iniinom ang iced tea upang mahabol siya. "Sama na lang ako," huminto siya sa tapat ng pintuan. "Pwede?" Pinagsaklop ko ang aking mga palad at nagpa-cute sa kanya sa pamamagitan ng aking mata.

Ilang segundo muna niya akong tinitigan bago sumagot. "No." awtomatikong bumagsak ang balikat ko.

"Dali naaaaa!" Hinawakan ko ang kamay niya upang muli siyang pigilan.

"Natalia," sabi niya sa nagbabantang tinig.

"Sama ako." Isinigit ko ang aking sarili sa pagitan niya at ng pinto upang panindigan ang sinasabi ko. "Please," pamimilit ko pa, patuloy pa ring pinipigilan ang pagbukas ng pinto gamit ang aking likod.

"Interesting." His voice was suddenly replace by his wickedness.

Pinukulan ko siya ng tinging nagtatanong, "What?"

"I can devour you given our position right now." He murmured, staring down at my lips.

Agad na nawala ang interes ko sa pupuntahan niya. "Okay na," bulong ko't lihim na napalunok. "He-he," alanganin kong pagngiti sa kanya habang pasimpleng humahakbang patagilid upang makatakas sa posisyong hindi ko naman sinasadyang mapasukan!

"Oh no," he whispered, pulling me back to my original position.

"Hindi na pala 'ko sasama," desisyon ko habang nakatitig sa dibdib niya. Ayokong magsagi ang tingin naming dalawa. Ayoko dahil alam kong may nagbabadyang hipnotismo roon. "Okay na 'ko. Joke lang 'yong kanina." Narinig ko ang mahina at nakakaakit niyang pagtawa. Naramdaman ko ang sabay-sabay na tayuan ng mga balahibo ko sa katawan.

"Do you know, that this," he said, inching down his lips slowly to my ear, "is my favorite position?" My eyes widen in humiliation. He gently laughs at me. "Of course, you don't." I think my soul just faints. I was too mortified by his words I haven't even realized that he opens the door behind me and took a step outside. "See you around, Kisstealer."

And then he was gone.

"Oh. My. God," mabagal ngunit maintrigang bulong ni Laura—na katulad ko'y nakapako rin ang tingin kay Eiveren—habang papalapit sa'kin. "What did just happened?"

Dear, he just told me his favorite position! I wanted to scream. Pakiramdam ko'y nagwawala ang reproductive system ko ngayon.

"Nothing," sagot ko at alanganin siyang nginitian.

"Nothing," ulit niya't napailing. "If you can just look how red your face is right now."

"Mawawala rin 'to," lutang kong sagot sa kanya. "Hehe," dugtong ko pa bago bumalik sa naiwan naming pagkain upang ubusin ang Iced Tea ko. "Pwede pa bang lakasan ang aircon dito?" Tanong ko habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay. "Ang init, eh," dagdag ko pa.

Kiss and RunWhere stories live. Discover now