Chapter XXXIX

1.9K 153 65
                                    

NATALIA

Mabigat ang kalooban kong umalis sa penthouse niya kinaumagahan upang pumasok sa Effloresence. I didn't bother to wake him up since he need to gain back his strength. Kailangan niyang gumaling. Ang magkasakit ng halos isang linggo ay hindi na normal.

Sa tulong ng alarm clock kanina ay nagising ako upang painumin siya ng gamot. I remember tapping his cheeks lightly to rouse him up, and when he do, I was once again lost with the depth of his dark grey eyes. There's this unexplainable pang in my chest. I wanted to cry.

He is looking at me like I only exists in his dream.

"Time to drink your medicine," sambit ko kinalaunan at inilalayan siyang uminom nito. Nang matapos ay nanatili lang siyang nakatitig sa'kin. His eyes are full of pure wonder and I guess he is not entirely awake. Perhaps half of his mind is still unconscious and/or dreaming which is totally fine. I am leaving after an hour and I don't want him seeing me go.

"You're going to be okay," I murmured as I run my fingertips down to his cheeks He slowly closes his eyes and moments later, he drifted off to sleep.

Gusto kong bumalik sa tabi niya upang samahan siyang matulog ngunit pinili ko na lamang siyang tunghayan. Hinintay kong sumilip ang liwanag bago tuluyang umalis.

"Earth to Natalia." Bahagya akong napatalon sa kinauupuan ko't masamang pinukulan ng tingin si ate Fifteen at Eva. Kanina pa nila ako pinipiga ng impormasyon patungkol sa mga nangyari kagabi.

"You got it bad, girl," naiiling pang dagdag ni Eva at pinaglaruan muli ang isang sunflower na binili niya rito sa Effloresence.

Inirolyo ko na lamang ang aking mga mata't lumayo sa kanila, dala-dala ang laptop ko. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong makapag-isip. Gusto ko siyang balikan doon at bantayan muli.

Maya-maya'y tumunog ang cellphone ko. Agad ko 'tong kinuha sa bulsa ko't binasa ang text message ni Echo. Siya ang unang nagpadala ng mensahe sa'kin, nakuha raw niya ang number ko kay Eiveren. Ang totoo ay nangialam lang siya sa cellphone ng pinsan niya upang hanapin ang numero ko sa contacts niya. Heto na nga't nagpapalitan na kami ng mensahe.

Subject: Kondisyon ni Eiveren

He is getting better. Babalik ka ba rito?

Tugon niya nang tinanong ko kung ayos lang ba ang pinsan niya.

I might. This evening. Sagot ko. Makalipas ng ilang segundo ay muli akong tumipa sa keyboard ng phone ko. Did he mention anything about me?

Saglit pa ay muling tumunog ang hawak ko.

No. He is actually acting strange today.

Pilit kong nilabanan ang lungkot na gustong mamayani sa sistema ko. Why would he mention anything about me to Echo, anyway? Isa pa, hindi naman siya pala-kwento. And yes, he is acting strange when I woke him up earlier dawn. I shrug these thoughts and type a short response to her.

Thanks, Echo! Hope to see you soon. Tugon ko at muling inabala ang sarili sa trabaho.

***

Tanghali na nang tumunog muli ang cellphone ko. Napakunot-noo ako nang makita ang hindi pamilyar na numero. Who is this, this time? Hindi ko sinagot ang tawag at hinayaan na lang na ma-missed ito. Rumihestro pa ang numero sa cellphone screen ko nang ilang ulit ngunit ayoko pa ring sagutin. Wala naman akong pinagbigyan ng cellphone number ko kaya sino pa ang nakakaalam nito? Si Eiveren, naiintindihan kong may record siya ng mga basic info ko dahil sa raffle promo. Si Echo dahil naman sa pangingialam niya sa cellphone ng pinsan niya. Nagkibit-balikat na lamang ako at hahayaan na lang sana ang pagtunog nita nang biglang hinablot ni ate Fifteen ang cellphone ko.

Kiss and RunWhere stories live. Discover now