Chapter XXII

2K 202 33
                                    

NATALIA

Nang makapasok sa loob ng elevator ay tsaka lamang niya pinakawalan ang kamay ko. Kinuha niya ang tumutunog na namang cellphone sa coat niya—teka, kailan pa niya sinuot ang coat niya?—at sinagot 'yon.

"Alright, send me the proposal for review, we can hash it out via video call later. Thanks," sunod-sunod niyang sambit. May sunod pang tumawag sa kanya kaya inabala ko na lang ang sarili sa pagtingin ng nakapakaraming button dito.

18...20...24...28...32...36...40...P

"May penthouse ka rito?" Excited kong sambit at tumalon paharap sa kanya. Sumenyas siya na 'wag akong maingay dahil may kausap pa rin siya sa phone.

Sorry. I mouthed and made a peace sign.

"No worries, I'll take down the code instead," sambit niya at sinubukang kuhain ang fountain pen sa coat niya. Dumulas ito sa palad niya't nalaglag. Agad ko 'tong kinuha at hinablot ang calling card na hawak niya. Sumenyas akong ako na lamang ang magsusulat ng kung anumang impormasyong idi-dictate sa kanya ng kausap niya.

Inirolyo muna ni Eiveren ang kanyang mga mata bago nagsimula. "P...A," Ginawa kong sandalan ang kanyang dibdib upang makasulat ako ng maayos. "8, 5, 2, 9," pagtutuloy niya't sumandal sa gilid ng elevator. Dahil sa bigla niyang pagpalit ng posisyon ay bahagyang nawala ang balance ko.

"Eiveren," I hissed. He only raised his brows and playfully smirk at me.

"6, 3, 4...lowercase cross," pagtatapos niya. Pinakita ko sa kanya ang isinulat ko. Maingat niya 'yong dinictate upang masiguro na accurate ang code na nakuha namin. Para saan ba 'to? "Great, thanks," matapos nito ay binaba na niya ang tawag.

I extended my arms, giving him his calling card with the code I wrote down on his behalf. An unladylike gasp escape from my mouth as I didn't expect his next move, he graciously grab my waist and murmured thanks closely to my lips—so close our lips brushing, my knees began to tremble—before taking the card from my shivering fingers.

I know, I know he wants to further his seduction but the elevator dings, making me jump in surprise, saving me from the spell he is trying to cast on his willing victim.

Mabilis akong naglakad palabas ng elevator at iniwan si Eiveren. Nakakalimang hakbang na 'ko nang mapagtantong hindi ko alam kung nasaaan ang opisina niya. Ang mga empleyado niya'y nakatingin na sa'kin, marahil ay nagtataka kung sino ang estrangherang nagmamadaling pumasok.

Mabilis akong humakbang pabalik kay Eiveren, naroon lamang siya't nakatayo, mukhang inaasahan niya nang mangyayari 'to.

"Your office?" Nahihiya kong tanong.

"Thought you know," nangingiti niyang sambit at hinawakang muli ang kamay ko.

Nang magsimula na kaming humakbang ay hindi ko maiwasang lumingon-lingon, ini-eksamin ang lugar na araw-araw niyang nilalakaran.

"Bes, nakita mo? Ngumiti si sir!" Nai-excite na bulong ng isang empleyadong nadaanan namin. Hindi ba talaga siya mahilig ngumiti?

"Oo, pero shut up ka na," pagpigil ng kaibigan niya. Base sa tinig nila ay kinikilig sila. I can't blame them. Ako rin naman ay kinikilig kapag ngumingiti siya.

"Can you just focus from where you're walking?" Puna niya, marahil ay naaalibadbaran na sa paglingon-lingon ko.

"Okay," sagot ko habang dinuduyan-duyan ang kamay naming magkasaklop. Feeling ko kasi ang special 'ko.

"Stop it," pinigil niya ang ginagawa ko. "You're too childish," komento pa niya.

"Cute naman," nakabusangot kong sambit.

Kiss and RunWhere stories live. Discover now