Chapter XXIV

2.3K 192 89
                                    

NATALIA

Hindi ako makatulog. Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama, sa totoo lang ay kagabi pa ako hindi makatulog nang maayos. Para kasing may kulang. At mukhang alam ng mga cells ko sa katawan kung sino ang kulang na 'yon.

"Hmpf," maktol ko at pinunasan ang aking luha.

Hindi ko siya lalabs ngayon. Hindi ko talaga siya lalabs ngayon, maging sa bukas at sa makalawa. Bahala si Eiveren sa buhay niya, ang talkshit nga niya, eh. Ang sabi niya ay mag-uusap daw kami pero umabot na lang ang alas-dose ng madaling araw ay wala pa ring nangyari.

Marahil ay nagpapakasasa na siya sa mga modelo niya. Kaliwa't-kanan.

Nagtalukbong ako, kinagat ang aking kamay at humagulgol. Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Bakit ba ang hilig kong pumatol sa mga salitang binibitiwan ni Eiveren? Ang hilig kong umasa at maniwala sa mga sinasabi niya. Paano ko ba mababali ang hipnotismong 'to? God, wala pa ngang kami pero ang sakit-sakit na. Lordie, hindi naman po ganito ang love story na lagi kong wini-wish sa'yo. Mala-Disney nga po 'diba?

Pero ginusto ko 'to. Ginusto ko siya. Ito ba ang pakiramdam na magmahal ng katulad niya?

Mula sa pagkakatalukbong ay inilabas ko ang aking kamay upang kumuha ng panibagong box ng tissue sa bedside table ko. Nang makuha ay mariin kong pinunasan ang aking luha. Mugtong-mugto na ang mga mata ko. Ayokong isipin pa kung ano ang ika-katwiran ko kaila papa at ate sa oras na makita nilang ganito ang estado ng mga mata ko bukas. Magsha-shades na lang ako.

Tama, magfe-feeling artista muna ako.

"Kalmutin ka sana ni Cuddly," bulong ko sa hangin kalaunan. Sana ay dumating ang masamang mensaheng 'to sa alaga niya. "Sa likod lang, 'wag sa mukha. Sayang." Pahabol ko pa.

Nang makababa ako sa ground floor ng building nila kanina ay nakita agad ako ni Stephen. Hindi na niya ako nakausap dahil mabilis siyang napigil ng kayang mommy nang mapansing lumuluha ako. Dinaluhan naman ako ng lalaking kasama nila na ang pangalan pala ay Mason. Sa magarbong company car nila ay doon niya ako pinasakay.

"Here's my calling card. Call me if you need anything." Kinuha ko 'yon at tinitigan habang pinupunasan ang aking luha na parang bata. AVP and Head pala siya ng safety and security ng kompanyang 'to.

"Thank you, Mason," humihikbi kong tugon. Nakita ko ang simpatiya sa marahan niyang pagngiti. "Pakipaalam na lang ako kay Stephen at sa Mommy niya, sorry hindi ko alam ang pangalan niya," nahihiya kong sabi.

"No worries. Her name's Cleo," pagbibigay-alam niya't lumingon sa direksyon ng mag-ina. I saw Stephen waving frantically at me so I wave back. Lamely. My heart is in misery I can't just level the energy he is showing. "You're going to be okay, Natalia," nakangiti niyang sambit bago sinara ang pinto ng kotse.

"Going to be okay," I echoed bitterly, madaling araw na pero hindi pa rin ako okay. Kailan ako magiging maayos kung ang utak ko ay masiyado ng polluted? Iniisip ang eksaktong bilang ng mga modelong naikama ni Eiveren, kung ilang babae ang kasama niya ngayon, kung gaano siya kagaling sa kama, kung...kung...tinakpan ko ang aking mukha ng unan upang sumigaw. "Letse ka talaga, Eiveren Cross! Letse ka!" Marami pa 'kong letseng nasayang para lang mabawasan kahit papaano ang bigat na dinadala ko. "'Pag ikaw talaga nakakuha ng HIV diyan," himutok ko habang humihikbi.

Dinampot ko ang cellphone sa tabi ng aking ulunan at nag-compose ng message na puro huhuhuhu at sad at crying emoticon lang naman ang laman. Ise-send ko na sana ito sa kanya pero napagtanto kong wala pala pa rin pala 'kong number ni Eiveren. Bumuhos ang panibago kong luha. Nakailang halik na siya sa'kin pero wala pa rin akong number niya. Mas lalo pa akong naiyak dahil sa mga malulungkot na emoticons na nakatitig sa'kin sa screen.

Kiss and RunWhere stories live. Discover now