Chapter VIII

3.2K 298 85
                                    

NATALIA

Mahigit dalawampung minuto na rin siyang nagda-drive habang ako ay titig lang nang titig sa kanya, kinakabisa ang hugis ng kanyang mukha pababa sa kanyang leeg, ina-admire ang kagwapuhan niya. Nang makapasok na kami sa loob ng subdivision ay dito na 'ko nakaramdam ng lungkot.

"You know it's rude to stare at someone like that," sa wakas ay puna rin niya, matapos naming makapasok sa loob ng subdivision.

"But I'm looking at you and my heart loves the view." Napahawak na naman ako sa'king labi at tinuktukan ng dalawang beses ang ulo ko. "Sorry," paumanhin ko't mabilis na iniiwas ang tingin.

"You said that twice already."

"Joke lang 'yon."

"It seems not."

"I'm not forcing you to believe me."

Muli, nagkunwari akong naiinis upang maitago ang pagkapahiya ko sa kanya. Ibinaling ko ang tingin sa labas at biglang naalarma dahil lumagpas na kami sa bahay ko.

"Wui!" Hinawakan ko ang biceps niya upang pigilan siya. "'Yon na ang bahay namin, ah! Bakit mo nilagpasan!" hinampas ko siya nang nginisihan lang niya 'ko. "'Hindi ba sabi mo, iuuwi mo na 'ko!" Naga-alala kong singhal sa kanya.

"Yes, but not your home."

"Don't tell me sa bahay mo?" Ang nakakaloko niyang ngiti ang kumumpirma sa tanong ko.

Tuluyan na 'kong naghuramentado sa loob ng kotse: ginulo ang buhok, pinadyak-padyak ang paa at sunod-sunod na hinampas ang kanyang balikat. Hindi 'to pwede! Kapag nalaman 'to ni papa, malalagot ako! Ano ba'ng binabalak ni Eiveren?

"Enough, Natalia! Ang gulo mo!" Usal niya, bahagyang umiiwas sa mga atake ko.

"Iuwi mo na kasi ako sa bahay na tinitir'han ko!"

"We have our time 'til midnight; it is written in your promo. If you read it, which obviously not," saglit niya 'kong pinukulan ng tingin at nailing. "You have to change that, Natalia. You can't just sign a contract without understanding the terms and conditions," he sampled out, "or for even just a goddamn raffle promo. Baka sa susunod, mapahamak ka na." Binuka ko ang bibig ko upang kontrahin siyang muli ngunit tinikom ko na lamang 'to sa bandang huli.

"I supposed that I have this delightful night but you ruin it," bulong ko kalaunan. Nagsimula na namang lumabo ang mata ko hangga't sa tuluyan na 'kong umiyak nang tahimik.

I heard him uttered something about women and their hormones. Hindi ko na lamang siya pinansin. Ilang sandali pa ay huminto na ang kotse, bumaba siya't pinagbuksan ako pero hindi ako kumilos. Ayokong bumaba.

"Natalia," mahinahong tawag niya. I only sniffed in response. Using my bared hands I quietly wipe my tears away. "Come on." Akma na 'kong magre-reklamo nang muli na naman niya 'kong binuhat, ngunit pinukulan lamang niya 'ko nang nagbabantang tingin. I chose not to disobey him, there's something about his eyes that made me still. I am not sure if it's a spark of guilt or regret. Though I can see that from the tip of his tongue, he wanted to say sorry.

But Eiveren, I think, don't usually apologize to a lady.

"Manong Rudy?" Gulat pero masayang bati ko sa sa butihing guwardiya matapos niya kaming pagbuksan. Nakadantay ang baba ko sa balikat ni Eiveren. Basang-basa pa rin ang mga mata ko mula sa pagluha kaya agad ko iyong pinunasan.

"You know him?" curious niyang tanong.

"Yup," sagot ko. "Dito po pala kayo naka-assign?" Baling ko kay manong.

"Oo 'nak, noong nakaraang linggo lang," sagot niya pero itong si Eiveren ay umandar na naman ang pagkabastos dahil nagpatuloy na siya sa paglakad papuntang pintuan ng bahay niya. Kinawayan ko na lamang si manong.

Kiss and RunWhere stories live. Discover now