Chapter XLVI

2K 148 100
                                    

NATALIA

Sinubukan ko namang sundin ang utos ni papa. Kinailangan ko nga lang ng tatlong daang beses na paikot-ikot sa kama, kalahating oras na pakikipagtitigan sa kisame, unang kumurap talo at panggugulo sa natutulog na si Fluffy, with matching pag-iwas sa mga kalmot niya–bago nakatulog.

Ala-una na rin ng madaling araw bago ako tinamaan ng bala ng antok. Si Eiveren kaya? May seremonyas din kaya siyang ginawa bago makatulog kanina?

Dumiretso si ate Fifteen sa kanyang kwarto matapos naming iwanan si kuya Shinichi sa opisina ni papa. Nang kami na lang dalawa ni Eiveren ang naglalakad palabas ng bahay ay tsaka lamang namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Hindi siya gumawa ng kahit ano'ng kilos upang mahawakan ang kamay ko, akbayan o hagkan man lang. Hindi rin niya binuksan ang paksa patungkol sa mga napag-usapan nila ni papa kanina.

Kapwa lang kami nagpapakiramdaman.

Nabasag lang nang makita namin si Cuddly at Fluffy na naglilinis ng kani-kaniyang balahibo, naga-amoyan ng buntot at p'wetan at nagpapalitan ng mga meows na tanging sila lang ang nakakaintindi.

"Nasa kwarto ka lang kanina ah?" puna ko sa'king alaga bago lumingon kay Eiveren, nagde-demand ng eksplanasyon kung bakit na naman nakatakas si Cuddly. He only shrug and continue looking down to our felines. "Fluffy, Cuddly," tawag ko at lumibel sa kanila.

Napangiti ako dahil agad na huminto si Cuddly. Oo, ang alaga lang ni Eiveren dahil abala si Fluffy sa pagkagat ng leeg ng kasintahan niya. Gigil na gigil siya. Buti pa'ng mga 'to.

"Tama na, tama na," usal ko't nilayo siya sa boyfriend niya dahil naiinggit na 'ko.

Oo, gusto ko ring kagatin ang leeg ni Eiveren. Hindi, joke lang. Huhu.

"Meow," sabay na sambit ng dalawa.

Translation: Hala! Kyah, huwag po!

"Ano?" Nakabusangot kong tugon, "Gusto mo rin makapasok sa opisina ni papa?" pananakot ko kay Cuddly. "I'm telling you, ah. Hindi uubra mga meow at kalmot mo do'n."

Narinig ko ang marahang pagtawa ni Eiveren bago dinampot ang sarili niyang alaga. We face each other and attempt not to laugh but failed in the process when both of our felines began to reach each other's paws while uttering their own cute meow.

Translation: Good night, meowlalabsko. Sa susunod ay maghanap tayo ng ibang tagpuan. Sa ilalim naman ng kotse ng kapit-bahay para wala nang sinuman ang humadlang sa'ting pagmamahalan. Doon tayo sa lugar na walang nakakakilala sa'tin.

Gusto kong maiyak. Ang haba ng translation ko para sa isang meow lang.

"I'll fetch you tomorrow." Umangat ang tingin ko kay Eiveren.

"Ha?" Lutang kong sabi dahil ang atensyon ko ay nakatuon pa rin sa mga alaga naming nagpupumilit kumawala sa bisig namin. "Bakit?"

"Ihahatid kita sa Effloresence," paglilinaw niya. Sandali akong napatingin sa kanyang labi, madalas ko talagang nakakalimutan na nagtatagalog nga pala siya. "Do you want a kiss?"

Great. Nabigyan pa tuloy niya ng ibang impresyon.

"Or kisses," dugtong niya.

I instantly felt the heat on my cheeks from his offer.

"Kisses," nahihiya man ay pinili ko pa ring sumagot.

Aarte pa ba 'ko eh si Lalabsko na 'to.

"Against the wall or..." lumingon siya sa nakaparadang kotse ni kuya Shin, "behind the car?" I gulp down whatever the lump is forming on my throat right now. His voice is getting lower and lower with each of the words slipping from his enticing mouth.

Kiss and RunWhere stories live. Discover now