Chapter XLIV

1.8K 146 96
                                    

NATALIA

"Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Eiveren sa'kin, kahit hindi ko man siya lingunin ay alam kong nagpipigil siya ng ngiti.

"Ayoko na," usal ko habang sinusuklay ang magulo kong buhok. Maya-maya'y naramdaman ko ang pag-akbay niya sa'kin upang maalalayan ako sa paghakbang, bahagya pa kasing umiikot ang paningin ko"Uwi na tayo," yaya ko. Dito ko na tuluyang narinig ang mahina niyang pagtawa. "What?" naiinsulto kong wika at huminto. "Halos humiwalay na sa'kin ang kaluluwa ko dahil do'n 'no!" katwiran ko habang tinuturo ang direksyon ng isang extreme ride na sinubukan namin ngayon-ngayon lang.

"Why do I feel that you're blaming me?" biglang naging blanko ang ekspresyon niya. "You asked for it."

"Ugh," I huffed and resume on walking. "Mukha kasi silang nagi-enjoy kaya gusto ko ring subukan," mukmok ko. "Tsaka paano kung biglang nasira 'yon at na-stuck tayo sa pinakatuktok?" problemado kong sabi.

"We have high maintenance here," pagtatanggol niya sa kanyang amusement park. Pinili ko na lamang hindi sumagot at pinagpatuloy ang lakad habang bitbit ang malaking teddy bear na napalanunan niya kanina para sa'kin. Sandali pa'y malakas na umihip ang hangin kaya nawala sa ayos ang suot kong headband na may design na tainga ng pusa. Sandali akong huminto upang ayusin 'to bago pinagpatuloy ang paglakad.

Dalawa ang binili ko nito, isa sa akin at ang isa ay para kay Eiveren, ngunit katulad ng inaasahan ay hindi siya pumayag. I know this is made for girls but can a Maria Natalia hope? I saw guys doing it para lang mapasaya ang girlfriend nila. But then again...he's not my boyfriend. Ultimo nga ang muling pagsabi ng Natalialalabsko ay pinagkakait na niya sa kabila ng ilang beses kong pagpupumilit sa kanya.

Sana kasi kung magsasabi siya ng endearment namin sa isa't-isa—yes, that's our official endearment—ay bigyan muna niya 'ko ng abiso para mai-record ko ang boses niya. Alam kong 'di mangyayari 'yon. Hmpf.

Masungit na nga, madamot pa.

Sa paglalakad din namin kanina ay napag-alaman kong pinagawa niya ang amusement park na 'to para kay Annalisse. "I promise to bring her in a park but never happened since she..." he trailed. Died. I remember him said. Halos maluha ako kanina nang binahagi niya 'to ngunit pinigilan ko ang sarili, sa halip ay hinila ko na lang siya papunta sa isang skill game na malapit sa'min, pilit na winili ang sarili at pansamantalang winaglit sa isipan ang nakaraan.

Ang dami naming nasubukang laro at rides at ang pinakahuli nga ay ang isa sa mga extreme na meron sila. Tower na may nakakabit na upuan na napo-protektahan ng seatbelt at matibay na railing upang makapitan ng rider. Dito ay unti-unti kang iaangat sa ere...at kapag nasa pinakatuktok ka na ay bibilis ang pagbaba niya niya, pakiramdam ko'y pinagtaksilan ako ng naturang ride at itinulak sa pinakamataas na gusali sa mundo. Sa sobrang bilis ng pagbaba nito pakiramdam ko'y literal na humiwalay ang kaluluwa ko sa'king katawan.

Hindi ko na rin na-appreciate pa ang view mula sa taas dala ng matinding takot. Alam kong tawang-tawa na si Eiveren sa tabi ko kanina ngunit hindi ko na siya inantala pa. Abalang-abala ako sa mataimtim na pagdarasal at mahigpit na pagkapit sa railing sa tuwing pabilis nang pabilis ang pagtaas at pagbaba ng naturang ride.

Ilang beses pa 'kong napasigaw ng, "animal, lechekaeiverencross, huhu, Lordie," at higit sa lahat ay ang sustain na, "maaam-maaaa!" Hindi ko alam pero mas lalo siyang natatawa sa tuwing tinitili ko 'yon. Ilang minuto lang naman ang itinagal ng ride ngunit pakiramdam ko'y isang oras akong nabilanggo roon.

That's also probably the longest moment I heard Eiveren laughing. Heck, I should be thrilled but I felt the opposite. It is really not amusing at all since he is laughing at my expense! How could he love seeing me miserable?

Kiss and RunWhere stories live. Discover now