Chapter V

3.8K 309 98
                                    

NATALIA

"Nirerentahan ba siya? Dali na, kahit overnight lang."

"Oh, for the love of Christ," I heard him mumbled to himself. "You can't bring him home, but I can bring you back home. Now." Gamit ang kanang kamay ay hinapit niya ang bewang ko, iginaya ako pabalik sa direksyon na tinahak ko kanina. Pabalik sa bahay. Sinilip ko sa gilid ng aking mga mata ang kanyang kamay na nakapalupot sa baywang ko.

Lord, ang lapit-lapit ko na kay lalabs! Gusto ko sanang bitawan si Yuka (Cuddly) upang yakapin siya ngunit hindi pwede dahil natutulog 'to. Isa pa, hindi naman kami close para lang yakapin siya ng gano'n-gano'n na lang. Magpagunpaman ay ramdam ko ang pagtili ng inner self ko. Grabe, ngayon lang nagising ang napakalanding part ng pagkatao.

"Breathe, Natalia," he whispered.

I think my soul just leaves me and went to heaven. God, his voice is too manly for my ears. It actually made me shiver.

"Ipahiram mo muna kasi sa'kin si Cuddly," pagpupumilit ko pa upang malabanan ang kabang nararamdaman ko. Imbes na siya'y sumagot, mas lalo lang niya 'kong hinapit palapit sa kanya. Saglit akong napapikit.

"Enough holding your breath, Natalia," tahimik niyang puna sa'kin.

Minulat ko ang aking mga mata. Nang humingi ako nang malalim ay rito ko napagtantong tama siya ng sinabi. How can he know that I'm doing so? Bakit ganito lagi ang nadarama ko kapag magkatabi kami ng Lalabsko? Ito ba ang totoong kilig? Nakakaba na nakaka-excite? Tsaka bakit ba kasi kailangan pa niyang hawakan ang baywang ko para lang maihatid ako sa bahay?

"May alaga ka palang stray cat, eh," pago-open ko ng topic para muling ilibang ang feelings ko na nakaka-bother na talaga. Medyo nanginginig na kasi ang tuhod ko, 'di lang halata dahil naglalakad kaming dalawa. Isa pa, 'yong puso ko, malalamog na 'ata sa bilis ng tibok nito.

"He's not a stray cat anymore," kontra niya sa kalmadong boses ngunit binalewala ko lamang 'to.

"Tsaka bakit Yuka ang name niya? Eh, tunog pambabae naman 'yon?" Lumingon ako sa kanya. Tumitig. Diretso lang siya ng tingin at patuloy na naglalakad.

Lihim akong napangiti. Kinikilig. Now I have the freedom to examine his face closely. Ang tangos ng ilong niya, sakto lang ang kakapalan ng kanyang kilay na bumabagay sa hugis ng kanyang mukha, mas lalo pa 'tong nahubog dahil sa cheekbones niya.

I'm looking at you and my heart loves the view. My mind says in a sing-song voice. Dahan-dahan siyang lumingon sa'kin, blanko ang ekspresyon. Dahan-dahan din akong umiwas ng tingin sa kanya, nanlalaki ang mga mata at napalunok dahil sa realisasyong nai-voice out ko pala ang tumatakbo sa isip ko!

Oh, Lordie. Ano ba 'yan! Nadulas na naman ako! Klinaro ko ang aking lalamunan at pumikit. Bakit ba masiyadong expressive ang utak ko?

"Watch your steps otherwise you'll fall. Again," he warned. Agad akong dumiretso ng tingin at dumiretso ng tindig dahilan ng munting paggalaw ng pusa sa sa braso ko.

"Hala! Nagising na si Cuddly ko!"

"He's Yuka and not yours," he corrected silently.

Sungit! Sungit! Sungit! Sungit!

"O, kuhain mo na!" Marahas kong inabot sa kanya ang pusa.

Una ay parang ayaw pa niyang tanggapin ngunit sa bandang huli ay napilitan siya dahil mulat na mulat na ang pusa at nagiging magalaw na. Binitawan niya ang pagkakahawak sa baywang ko upang mahawakan nang maayos ang pusa. Agad akong nakaramdam ng panghihinayang.

Sayang. Hindi ko na lang pala dapat ibinigay. Siya kaya? Nanghihinayang din?

"Taga rito ka pala?" paniniguro ko nang nagpapatuloy kami sa paglakad.

Kiss and RunWhere stories live. Discover now