Chapter VII

3.4K 309 101
                                    

NATALIA

Ang dilim. Wala akong makita. Nang pinaupo ako sa sentro ng entablado ay agad akong piniringan. Tanging Emcee lang ang nagsasalita at ang mga lumalahok sa bidding, na kanina pa nagsimula. Sampung libo ang simulang offer. Napanganga ako agad sa presyo ngunit mas lalo akong nabigla nang umabot na sa daang libo ang perang binabanggit nila!

Mula sa iba't-ibang boses ng lalaki na ang nagbi-bid. Paiba-iba. Lahat ay halos mula sa mga alienated species, tanging kay Aries lang ang nare-recognize ko. May narinig din akong bulungan na ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na umabot sa isandaang-libo ang offer.

"150,000 from Mr. Aries Clyvedon!" Anunsyo ng Emcee.

Nakakuyom na ang palad ko dahil sa lubos na kabang nadarama ko. Si Mr. Nice Guy, kanina ko pa naririnig, pero si Eiveren ni kahit paghinga ay 'di ko marinig! Akala ko ba ay ayaw niya 'kong mapunta sa iba?

"Going once, going twice..." 'Yan na naman ang going-going niyang linya.

Sa t'wing binabanggit niya 'to ay mas lalo akong kinakabahan! Una, nakapiring ako, ang mga lalaking nagsasabi ng malaking halaga ay hindi ko kilala, liban lamang kay Aries, s'yempre. Pangalawa, si Eiveren ay hindi ko pa naririnig na sumali sa bidding.

EiverenLalabsko, nasa'n ka na ba?

Yeah, my heart betrayed me. Lalabs ko na siya ulit, hindi na kaya ng puso ko kung ipagpapabukas ko pa ulit ang pagmamahal ko sa kanya. Mahal? You're too fast, Natalia. God, this isn't normal.

"300,000." Napalunok ako. Three hundred what?!

"A double offer from Mr. Cross!" Bulalas ng Emcee, bakas ang gulat sa kanyang tono na napilitan naman agad ng excitement. Mas lalo kong narinig ang ugungan ng mga manunuod. Sa kabilang banda ay nakahinga ako nang maluwang dahil sa wakas ay narinig ko na ang tinig niya. Akala ko talaga ay nagbago na ang isip niya't pinabayaan na lang akong mapunta sa kamay ng iba.

"301," kay Aries na boses 'yon. Nanlaki ang mga mata ko sa likod ng piring. Akala ko ay mahihinto na sa tatlongdaan ang offer dahil dinoble na ito ni Eiveren, bakit pa lumalaban si Aries?

"310," mula kay Eiveren.

"330." Aries.

Ohgod. Gaano ba kayaman ang dalawang ito at parang nakapasimple lang sa kanilang magbanggit ng ganito kalaking halaga ng pera?! Kung hindi ko alam na para sa charity ito, malamang ay masabihan ko na silang nagwawaldas lang ng pera.

"335." Eiveren

"350." Aries

"375." Eiveren

"380." Aries

Halos hindi na makapasalita ang Emcee sa sunod-sunod na banggit ng numero ng dalawa.

"Four. Hun. Dred," pinal na sambit ni Eiveren, bakas ang irita sa kanyang tinig.

"400 from Mr. Cross! Going once, going twice..." The Emcee's voice held in the air. Walang nagsasalita, ang tahimik, parang wala ng lalaban. Nag-crossfinger ako, sana ito na ang huling offer. Sana, sana, sana, sana, sana. "There you have it, Mr. Cross!" Malugod na sambit ng Emcee, may binaggit pa siya sa'kin na si Eiveren daw ang magiging blind date ko, hinaluan pa niya ito ng biro dahil sa eksenang nangyari kanina.

Yes, hindi na 'to blind date dahil kilala ko na ang date ko. After all, hindi naman pala pagtataksil ang gagawin ko dahil si Lalabsko ang magiging ka-date ko!

Napalunok ako dahil narinig ko na ang boses niya palapit sa'kin. Maya-maya'y may nagtanggal ng piring sa'kin. Hindi ko agad maidilat ang mga mata ko dahil bahagya pa itong naga-aadjust sa liawanag. Nang sa tingin ko'y kaya ko ng imulat ang aking mga mata ay bumungad sa'kin ang mukha ni Eiveren, iritang-irita. Narinig ko pa ang mahinang pagmura niya.

Kiss and RunWhere stories live. Discover now