Chapter IX

3.2K 263 67
                                    

NATALIA

Bigla 'atang huminto ang pag-inog ng mundo ko. Talaga? Mahal niya 'ko? Mahal niya rin ako? Pinisil niya ang tungki ng ilong ko.

"Role-playing," yumuko ako upang hindi niya mabasa ang dismaya sa ekspresyon ko. Role-play nga lang naman, nakiki-go with the flow siya dahil pretend boyfriend ko lang siya hanggang hatinggabi lang. Pero pa'no naman ako? Totoo ang pagmamahal ko sa kanya pero siya, hindi. Kunwa-kunwarian lang.

Ang unfair naman nitong love life ko, ako lang ang nagmamahal.

"Eh, kailan mo 'ko mamahalin?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya. Ang mahinang pagtawa lamang niya ang narinig kong sagot.

May tatlong adjective ako para kay Eiveren ngayong gabi: Manhid. Manhid. Manhid.

"Wala," umalis na 'ko sa kandungan niya, tumayo at hinanap si Cuddly. Nakita ko siya sa isang may kalakihang fancy basket na kulay sky blue na may violet na border sa paligid nito. May blanket pa siya sa loob na violet din.

"Cuddly?" Malambing na tawag ko sa kanya ngunit hindi na siya umimik. Mahimbing na s'yang natutulog.

"He's Yuka," bahagya akong napausog dahil nasa tabi ko na pala ang amo niya.

"She's cuddly."

"He's a he."

"Akala ko ba lahat ng gusto ko ngayon ay pagbibigyan mo?" Naghahamon at nakapamewang tanong ko sa kanya.

"But you're changing his gen—" pinandilatan ko siya, "—fine," pagsuko na lamang niya.

"Yehey!" Tuwang-tuwa akong napatalon at nagpabuhat na yumakap sa kanya, narinig ko ang bahagya niyang pagtawa.

Tumili ang inner self ko. Kahit manhid siya, masungit at 'di gaanong gentleman ay Lalabsko na talaga siya. Siya lang talaga ang may kakayahang pakiligin ako ng ganito kasobra at siya lang ang katangi-tanging lalaking gusto kong halik-halikan, yakapin ng sobrang higpit, makatabi sa pagtulog, at maka-date ng pitong beses sa isang linggo. Siya lang talaga.

Hinalikan niya ang tungki ng aking ilong at tinitigan. Napapikit ako, mataimtim na nananalangin na sana, totoo na lang lahat ang nangyayari ngayon. Sana, huminto na ang oras para forever role-playing na lang ang gagawin namin, walang until midnight, walang bukas. O di kaya'y katulad ni Cinderella na may deadline nga ang kasiyahan ngunit sa ending ay sila pa rin ang nagkatuluyan ng prinsipe niya.

Sana ganoon din ang lovestory ko.

"Would you like me to kiss you again?" He asked as I opened my eyes.

"Why? Would you like to kiss me again?" His sudden action is his silent answer. He grabbed my nape and guided me toward his lips. I slightly moan when our lips found their contact. And when his tongue started to move inside me, I gasped. I never thought a tongue could be this soft, soft like his lips.

"You like that," he said, like he is mentally noting what he discovers. Putting my both palms on his chest, I felt his heart beating fast like mine. My feet slowly descended from the cold ground, our gazes never breaking.

May parte sa isip ko na humihiyaw ng, more. Shit. What's with the more? Hindi 'to pwede. Now, I realized that his kisses are dangerous. It may lead to something else, something that we might regret. Agad kong naialis ang kamay ko sa dibdib niya't itinago 'yon sa likod ko, biglang natauhan.

Stupid, stupid, stupid, Natalia. Ano ba'ng pumasok sa isip mo para i-request na maging boyfriend siya hanggang hatinggabi? Baka kung ano na ang tumatakbo sa isipan niya ngayon?

"What are you thinking?"

"Nothing." His face grew soft as he recognizes the fear in my voice. "Iniisip mo siguro ngayon na," yumuko ako bago ipinagpatuloy ang sasabihin, "...na sobrang desperada ako ngayon para maging nobyo ka. It's obvious that I like you, but I'm just..." I trailed. "I want..."

Kiss and RunWhere stories live. Discover now