Chapter II

4.9K 333 52
                                    

NATALIA

Scripted pa 'kong nanaginip na yakap-yakap ako ni Eiveren—ayaw pakawalan at tinatadtad ng mga halik—nang may umupo sa hita ko. "Hmm, ano ba 'yan," ungol ko habang tinutulak ang kung sinumang lapastangan na gumagambala sa panaginip ko. Mariin akong pumikit, pilit na ibinabalik ang isip kung saan man nahinto ang tumatakbo sa isip ko ngunit hindi ko na 'yon ma-retrieve pa.

"Mulat na," rinig kong sambit ni ate. "May nagpapabigay sa'yo nito." May inilapit siya sa ilong ko kung kaya't napamulat ako. Nakita ko agad si ate Fifteen at sa presensya niya'y agad akong naalarma. Agad akong napabangon at inilibot ang tingin sa kabuuan ng Effloresence. Naramdaman ko na may isang bagay na inilagay si ate Fifteen sa palad ko, unti-unting bumaba ang tingin ko sa gardenia at napasimangot.

"Wala na si Eiveren-lalabs ko?" Oo, lalabs ko na 'yon. Kagwapo-gwapong nilalang! 'Di nakakasawang titigan! Para siyang anghel na mula sa kalangitan! Natatakam ako na parang ako ang kanin at siya ang ulam.

Ah, I don't know that there's a poet living within me.

"Ang gwapo niya talaga," I mumbed dreamily at marahang niyakap ang bulaklak.

Naramdaman ko ang palad ni ate Fifteen sa ulo ko. "Gising, Maria Natalia!" singhal niya matapos tuktukan ang bunbunan ko.

"Aray ko," mahina kong dain habang hinihimas ang ulo ko.

"Pinabibigay niya 'yan." Tukoy niya sa hawak kong bulaklak.

Oh. Bakit naman niya 'ko bibigyan nito? Eh, ang epik-epik nga ng engkwentro namin kanina. Sa kauna-unahang pagkatataon ay natameme ako sa sex appeal ng isang lalaki. Ang dami ko namang nakakasalumuhang gwapo pero siya lang talaga ang nakagawa sa'kin no'n.

"Maniwala ka. Pinabibigay niya 'yan sa'yo bago siya umalis. Bakit ka ba kasi natulog? Dito pa," inirolyo niya ang kanyang kayumangging mga mata na halintulad rin ng akin, namana namin mula kay mama. "Tinitigan ka tuloy niya," dagdag pa niya. Tuluyan nang nagising ang diwa ko sa limang salita—apat lang pala na binanggit niya.

"A-ako? T-tini-tigan?" utal kong tanong.

"Uh-huh," kumpirma niya. "Do you know the meaning of gardenia?" tanong niya.

"No," I shrugged.

"It symbolizes purity and sweetness. They indicate secret love, they convey joy and they tell the receiver, you are lovely."

"Secret love?" Ulit ko na parang 'yon lamang ang nag-register sa medyo unresponsive ko pang utak.

"Wag ka munang mag-ilusyon!" Hinila niya ang buhok ko. "Love-love ka diyan."

"Eh, si Eiverenlalabs may gusto sa'kin?" puno ng pag-asa kong banggit habang nakatingin sa bulaklak at lumawak ang ngiti.

"Siguro nga ay may gusto siya sa'yo. Don't worry, babalik siya rito."

"Talaga babalikan niya 'ko?" Mas lalong sumidhi ang pag-asa sa kaibuturan ng puso ko.

"Gaga! Tungkol sa negosyo!" Natatawang usal ni ate. "But who knows?"

"Eiveren Cross," sagot ko, "his name suits him well," puri ko habang hinaplos ang bulaklak na binigay niya sa'kin.

"He owns a business, Natalia. Big one." Marahas akong napatingin sa kanya.

"What?! Like, kuya Shinichi?!" Gulat na sabi ko, tinutukoy din ang nobyo niya. Why did he introduce himself as an event coordinator when he manages a big business? Really, is there a need to lie?

Huwag daw ako pumatol sa gano'ng lalaki sabi ni papa. Pero gusto ko siya, eh. Gustong-gusto! Ugh, ang aga ko 'ata natamaan sa kanya. Is this normal? Si Fluffy 'ata ang ginawang tulay ni Lord para magka-lovelife ako o baka nanalangin talaga si Fluffy na bigyan na 'ko ng lovelife nang sa ganoon ay tantanan ko na ang nanahimik ngunit maaksyong buhay niya sa kalye. Ang bad talaga ng pusang 'yon sa'kin. Pasalamat siya, cute siya.

Kiss and RunOnde as histórias ganham vida. Descobre agora