Chapter XXI

2.6K 217 91
                                    

NATALIA

Tahimik akong nagi-scribble sa isa mga scratch papers dito sa opisina, iniisip ang mga nangyari noong mga nakaraang araw.

Ano nga ba kami ni Eiveren? Boyfriend ko na ba siya? O assuming lang ako? Pero kung ayaw niyang isipin kong may namamagitan sa aming dalawa, sana ay hindi na lang siya nagpakita ng motibo. Sa kabilang banda ay hindi ko rin maloloko ang sarili ko. Gustong-gusto ko ang ginagawa niya. Mga halik niya't mga yakap niya. Isa pa, nakakatsansing ako sa Lalabsko. Hihihi. Gumuhit ako ng emoji na hugis puso ang mga mata.

Thank you talaga, Lordie!

Kinikilig, napa-drawing din ako ng smiley face sa scratch paper with matching hālō. Maya-maya'y pinilig ko ang ulo ko, ito ba ang gusto ko? Ang hayaan siyang gawin sa'kin ang ginagawa ng isang maarugang nobyo? I can't say that he is taking advantage 'cause once again, I like what he is doing.

Iyon nga lang, pinangako ko sa sarili na ang boyfriend ko lang ang makakahalik sa'kin, boyfriend na dumaan sa panliligaw, boyfriend na nakilala muna ng pamilya ko. Lahat ba 'yon ay napagdaanan ni Eiveren? Hindi. Parang nilaktawan niya ang limang hakbang sa isang hagdanan. Nilagpasan ang stage 3, 4, 5 sa isang arcade game. Paano nangyari 'yon? Ikaw, Natalia. Oo, ako ang dahilan, ako ang nangyari. If I hadn't stole a kiss from him in the first place, if I hadn't asked him to pretend as my boyfriend, this foolishness wouldn't happen at all.

Napasimangot ako at gumuhit ng sad face sa scratch paper.

Mahal ko siya, oo. Siya, hindi. Sa bandang huli, alam kong ako ang masasaktan. Alam kong ako ang lugi. Half of my rationality is telling me to put this to an end, half of it is screaming to just go for it. I chose, of course, the latter. It is not everyday you can stumble and collide to Love. The million dollar question is, hanggang kailan ko hahayaang maging ganito ang set-up namin?

"Ang lalim 'ata ng iniisip mo ngayon?" Umangat ang tingin ko kay ate Fifteen na kakapasok pa lamang ng opisina. "Eiveren?" Tumango ako bilang sagot. "Ate!" Tinangka kong agawin sa kanya ang scratch paper na bigla niyang hinablot sa'kin.

Napangiti siya ng nakakaloko. "Teka, ipapa-frame ko lang nang maipadala ko sa kanya."

"No way!" Hinablot ko sa kanya ang papel na puno ng Natalia Eiveren ang nakasulat, samahan mo pa ng mga emojis na dinadrawing ko kanina.

"Para kang school girl na na-meet ang first crush niya," komento niya, naiiling na natatawa. "Tsaka itapon mo na 'yan. Ang pangit mo magdrawing."

Ouch. "Teka, 'yong puso ko," hinawakan ko 'to at umaktong nasasaktan. "You wound me, ate. Oh, how you wound me!"

"Tigilan mo 'ko," natatawang sambit niya bago kuhain ang wallet sa office ng drawer. "Magla-lunch date lang kami ni Shinichi," paalam niya.

"Hindi ako kasama?" nagtatampo kong sabi.

"Third wheel ka?" Napasimangot ako. "Papasalubungan na lang kita," pampalubag niya't iniwan ako.

"Madaya," bulong ko na lamang.

***

Pagkaalis ni ate sa Effloresence ay umalis na rin ako makalipas ng kalahating oras. Inihabilin ko ang shop sa mga staff niya't nagsimula ng maglakad.

Sunod-sunod ang kainan dito sa distrito sa puntong mahihirapan ka na lang mamili kung saan ka kakain. Nakakailang hakbang pa lang ako nang makita ko si Fluffy na tumalon sa isang basurahan sa may kanto. Tatawagin ko sana siya ngunit huminto na lang, sa sunod na araw ko na lang siya bwibwisitin.

Sa paglalakad ay lumipad na naman ang isip ko papunta kay Eiveren. Nang magising kaming dalawa kahapon ay patago na ang araw. Ni-request kong iuwi na niya 'ko sa bahay dahil maayos na 'kong nakakalakad. Hindi siya agad pumayag, ngunit sa kakasunod ko sa kanya at paulit-ulit na tanong ay nainis na lamang siya't napapayag ko na lamang.

Kiss and RunHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin