Chapter VI

3.7K 311 59
                                    

NATALIA

"Manyak!" Agad ko siyang itinulak palayo sa'kin. Napatingin akong muli sa mga taong nakapaligid sa'min na nagsimula na namang magbulungan. Bumuhos sa'kin ang realisasyong napalakas pala ang boses ko! "Ah, ha-ha-ha!" parang cyborg kong halakhak. Alanganin. Walang buhay. "Jukjuk lang," nag-peace sign din ako gamit ang aking dalawang kamay. "Hihi," dagdag ko pa.

Napakunot-noo na lang silang lahat dahil sa ka-weirdahang ipinamalas ko. Great. Pinapahiya ko lang ang sarili ko. Pero ayos na rin 'yon dahil bumalik na sa normal ang lahat, ngunit hindi sa pagitan naming dalawa ni Eiveren.

"What?" I snapped because he's staring at me and it's awkward!

"I don't want you here," he replied distantly.

Ouch. Sinabihan ko lang siyang manyak, pinapaalis na niya agad ako rito? I mean, oo! Gusto ko naman talagang umalis na rito dahil OP ako at higit sa lahat ayoko ng may ka-blind date lalo pa't nandito 'tong Lalabsko na kinaiinisan ko na ngayon!

"Hindi pwede," malamig kong tugon. "May ka-blind date ako," iwas-tingin kong pagbibigay-alam sa kanya.

"I know. That's why I don't want you here." Huh? What does he mean?

"Pinilit ako ng isang waitress sa isang restaurant na pinagkainan ko noong mga nakaraang araw," hindi ko mapigilang sambitin. "Nanalo ako. Napadala na ang damit na susuotin ko, which is ito," iminiwestra ko ang aking sarili. "Alanganang mag-back out pa 'ko 'diba?"

"I can't believe that I will be wasting my money this night just for you." 'Di ko maintindihan ang mga kausap ko ngayon. Ano'ng meron sa bidding? Bakit siya gagastos ng pera para sa'kin?

"Why do you care?!" Singhal ko sa kanya "Tsaka bakit mo 'ko pagkakagastusan? Sinabi ko ba?!" Tuluyan na 'kong nainis at tinalikuran siya, hinanap si Mr. Nice Guy na sa tantiya ko ay kanina pa nakasunod ang tingin sa amin.

"Sorry, ah. Sira-ulo kasi 'yon, eh," atungal ko pagkalapit sa kanya.

"It seems that you know each other," he concluded.

"Right. My neighbor." Lalabsko rin 'yon, gusto ko pa sanang idagdag ngunit sadyang nangingibabaw ngayon ang inis ko para sa kanya.

"I see." Marahan siyang tumango.

"Ano nga palang pangalan mo?" pag-iiba ko na lamang ng usapan."

"Aries," nilahad niya ang palad niya na tinanggap ko naman. "Nice to meet you, Natalia," he smiled at me again, he has this perfect smile actually.

Si Lalabsko kasi, never ko pang nakitang ngumiti. Bato 'ata 'yon, eh. Tsaka may LQ kami kaya di ko siya lalabs ngayon, bukas na lang ulit o sa makalawa.

"Excuse me," came from Eiveren. Ugh, now what? "Can I have her now?"

Amazingly, I can't be able to speak for protest.

"Sure," Aries agreed. "Anyway, Nat, Cross is my boss," he introduced. I can't help to roll my eyes in response. Bakit pa 'ko magugulat? Malamang lahat ng nakikita ko ngayon ay pagmamay-ari niya! At dahil sa ideyang 'yon ay napahinto ako.

He sponsors this event.

"Come on," hinila na naman niya 'ko palayo sa gwapong modelo.

"He's Mr. Nice Guy. Unlike you," I murmured, acting like a kid in a tantrum.

"What you're wearing right now," huminto siya at humarap sa'kin "came from my company. Would you consider me now as your Mr. Nice Guy?" Pinasadahan ko ng tingin ang magarang damit na suot ko. Tama ako, kung siya nga ang responsable sa likod ng event na 'to, malamang pati suot ko ay sa kanya rin.

Kiss and RunTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang