Chapter XXXVIII

1.7K 153 54
                                    

NATALIA

Pagbalik ko'y nahihimbing na si Eiveren.

Umupo ako sa tabi niya't tinabunan ng kumot ang kanyang paa hanggang baywang. May napansin akong papel sa bedside table niya tabi ng mga banig ng gamot. Nilapitan ko iyon at binasa. Mga gamot ito na kailangang inumin ni Eiveren, nakasaad rin dito ang dosage, at ang pagitan ng oras sa bawat pag-inom niya. Binaliktad ko ang papel at binasa ang note, may sign ito ni Echo na nagsasabing, alas-tres ng umaga ko siya kailangang painumin muli ng mga 'to.

Napailing ako't napangiti. Sinamantala niya marahil ang pagsulat nito kanina kung kalian ay nakapikit pa 'ko habang binibihisan niya si Eiveren. Binuksan ko ang aking cellphone at mabilis na in-airplane mode ito. I don't want to received any texts from my sister yet. Isa pa, may tiwala naman siya sa Lalabsko 'diba? Siya na rin muna ang bahalang magpaliwanag kay papa.

Matapos mag-set ng alarm clock ay nilapag ko ito sa tabi ng reseta. Maingat akong tumayo at tahimik na nilibot ang tingin sa kabuuan ng paligid. Kulay abo ang kulay ng kanyang dingding, kapares ng kanyang kubre kama at kumot. The place is awesome and at the same time...boring.

May ilang mga paintings din na naka-display at isa-isa ko 'tong nilapitan. Isang mukha ng pamilyar na batang babae ang nasilayan ko, nakatali ang kanyang medyo umaalon-alon na buhok at tipid na nakangiti, mukha siyang misteryosa. I briefly glance at Eiveren's sleeping form and back to the canvas. I repeated the process few times, before the identity of the girl dawns on me—this was Eiveren's sister! When my eyes landed onto the artist's signature, my eyes widen.

Eloise J.C.

"Oh my God," bulong ko sa sarili, unti-unting napagtatanto ang lahat. "Her mother was once a painter."

I resume roaming my eyes around the gallery of charcoal paintings, where the main illustration are people's faces, arresting their different expressions. Wow, these are his mother's works! Ilan na kaya ang nagawa kung...hininto ko ang pag-iisip at marahang lumingon sa direksyon ni Eiveren.

It's my fault. I killed my sister.

I almost killed my mother.

I almost killed myself.

He is blaming himself for his sister's death and for his mother's... misfortunes. Lalapitan ko na sana siya ngunit may nahagip ako. Muli na namang namilog ang mga mata. There is a corner behind filled with paintings hanging horizontally on the wall's corridor. Sa tingin ko'y hindi na ang mommy ni Eiveren ang may gawa nito dahil iba na ang medium na gamit ng artist, maging ang paksa ng mga 'to. Mabilis kong hinanap ang lagda ng may likha sa isang canvas at agad ko naman itong nakita.

Ren Paolo Cross

"Okay," bulong ko sa sarili. "Okay," ulit ko pa, pinapa-sink in sa utak ko ang mga nalalaman ngayong gabi.

His dad was a landscape artist.

So, both of his parents are artists! I stare at the masterpieces in front of me. Halos lahat ay may kinalaman sa mga bituing nagkalat sa kalangitan tuwing gabi, parang ipinapakita nito ang kapangyarihan niya, kakayahang pakalmahin ka, patahanin at bigyang kapayapaan sa pagtulog mo.

I wonder if I Eiveren has an artistic bone in his body, too.

Nanumbalik sa'kin ang mga art books na nasa shelf niya, ang dalawang nakakabagabag na paintings banda sa ulunan ng kama niya. Those are charcoal and landscape paintings, right? Without the signature of the artist! Hindi kaya...

"Oh, Eiveren," tahimik ko siyang nilapitan at tinabihan. "That's yours isn't it?" Ang banayad lamang niyang paghinga ang kanyang sagot. Iniangat ko ang aking tingin sa kalangitan na puno ng mga bituin, naalala ko rin ang kisame niya sa isang kwarto niya. "I understand you now..."

Kiss and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon