Chapter X

3K 273 46
                                    

NATALIA

"Hindi uuwi ang ate mo," napatalon ako sa tinig na nagmula sa'king likuran.

"Bakit 'pa? Tumawag po ba?" tanong ko pagkaharap sa kanya.

"It's Shin who called." tumango ako. So, nakauwi na pala si kuya. "You arrive earlier than I expected," puna niya. Napahakbang ako ng isa, paatras. "What happened?" At pinaulanan na niya 'ko ng mga tanong at mga pamumuna. Nanggaling ba raw ako sa bahay ng isang lalaki, kanino raw ang panlalaking tsinelas na suot ko at bakit daw magulo ang lipstick ko kanina pagdating. "Does that guy harassed you? Am I going to call the police or what?"

I wanted to lie, but I know it wasn't worth a try, malalaman at malalaman din niya agad na nagsisinungaling ako. "I'm okay, 'Pa. Tsaka hindi naman niya 'ko hinarass—"

"So, someone kissed my daughter," he concluded dimly. "Who is he?" Cool na cool pa rin ang boses ni papa but I know deep down ay nagpipigil na siyang kuhain ang shotgun niya at barilin ang lalaking humalik sa'kin. Isipin ko pa lang na gawin niya 'yon kay Eiveren parang...hindi. Hindi dapat 'yon ang maramdaman ko para sa isang manyak na katulad niya. Hindi ako dapat mag-alala.

Okay, hindi naman talaga siya manyak, iyon lang ang sinasabi ko sa sarili ko upang layuan siya. Oo, pino-pollute ko lang lalo ang polluted kong utak.

"Your answer?" Kaysa mag-deny pa 'ko ay pinili ko na lamng umamin. Alam ko namang basang basa na niya 'ko ngayon na para bang isang bukas na aklat na forty-eight ang font size.

"He is...him," I replied lamely. "I'm in love with the man who kissed me, papa."

He slightly nodded. "Even if you're in love with the guy, you shouldn't let him kiss you...or touch you, Natalia." Napalunok ako. Bigla kong naalala ang paghawak niya sa'kin. Ang mga hawak niyang alam kong hahantong sa kama. Pero buti na lang ay napigilan namin ang isa't-isa. "I bet you don't even know him, like, know him." Muli akong napalunok. My father's right, wala pa nga 'ata sa sampung daliri ko sa kamay ang mga alam ko tungkol kay Eiveren. "Natalia?" Napakurap ako, bumalik sa realidad. Kanina pa pala 'ko pinapangaralan ni papa pero ni-isa ay walang nagrehistro sa isip ko.

Ugh, what is happening to me?

"Sorry, 'pa," naiiyak kong paumanhin.

"Don't cry," he said in a slight panic, "God, I'm just glad you're here in one piece. I only want you to be careful next time," he added, giving me his I-am-just-a-responsibe-father-who-immensely-loves-his-daughters look

"I'm so sorry, 'pa." Bumuntong hininga siya at sinsero akong nginitian.

"Just give your man a kiss and a hug and go to sleep."

***

Lumipas na ang gabi't nakatulog na lang ako mula sa napaka-failed kong blind date pero wala pa rin si ate Fifteen. Lumakad ako papuntang pintuan upang silipin kung may paparating bang kotse ngunit bago ko pa man mabuksan iyon ay may narinig na 'kong pagkatok. Lumipad ang tingin ko kay papa, at ganoon din siya mula sa panunuod ng isang dokumentaryo sa TV. Parehas kami ng iniisip, marahil ay si ate Fifteen na ang nasa labas.

"I knew it," agad kong banggit pagkabukas ng pinto. Ang tinig ko ay pinaghalong relief (dahil nandito na siya) at akusa (para sa hindi niya pag-uwi kagabi).

"Good morning, Natalia," dumako ang tingin ko sa nobyo niya, kay Kuya Shinichi, na hindi ko agad napansing katabi niya. Magkasaklop ang kanilang mga palad ngunit parang may tensyong namamagitan sa kanilang dalawa. Mas angat nga lang ang kay ate, para siyang kinakabahan...natatakot.

May nangyari ba?

"What did you do to my daughter?" bahagya akong napalundag dahil sa tinig ni papa, nakalapit na pala siya sa'min.

"A-ah," alanganing bungad ni ate. "Sobrang lakas na kasi ng ulan kagabi, 'pa, kaya mas pinili na lang ni Shin na matulog kami sa isang hotel para—"

"Para masolo ka niya—"

"Para hindi kami mapahamak," agad na pagtatama ni ate, biglang nangamatis ang kanyang mukha.

"Really?" Iniangat ni papa ang kanyang kilay, pinapakita ang pagdududa niya. Maging ako man ay nagdududa, bakit namumula ang mukha niya ngayon?

Siguro...bigla akong napatili. Sinamaan ako ng tingin ni ate at papa, si kuya Shin naman ay umiwas ng tingin sa'ming lahat at sumipol. Oh. My. God. Siguro'y nag-advance honeymoon na sila! Due to cold weather and unexpected body heat compose of lust and desire ay kinailangan nila ng intercourse para ma-release ang—teka! Teka! Ano ba 'tong iniisip ko?!

Napahawak ako sa'king pisngi. Siguro'y kung hindi ko napigilan si Eiveren at hindi siya nakapagpigil ay baka may nangyari na rin sa'min. Ugh! Ang manyak naman kasi ng nilalang na 'yon.

"You," tukoy ni papa kay kuya Shin.

"Yes, sir," diretsong tugon naman ni kuya, na para bang kaharap niya ang heneral ng isang hukbo.

"Answer my question."

"Well," he briefly gaze down at my sister, I notice his hands tightens its hold to my sister's. "I saw her at the cemetery's entrance, soaking wet and crying," he sways his head, remembering the last night's events, "and the rain is getting heavier, I thought it would be better for us to let the night pass. Thus, we stayed at the nearest hotel." But as usual para sa isang retired professor sa field ng psychology, hindi agad maniniwala si papa. Base sa mapanuring tingin na nasasaksihan ko ngayon sa kanya ay may alam siyang ayaw pang sabihin ni kuya Shinichi.

Inaasahan ko na magu-usisa pa siya hangga't sa makuha ang nais na impormasyon pero himalang tumikhim na lang siya at hindi na lang nag-komento pa. Sinundan naming tatlo ang mga hakbang ni papa at inalis lamang ang tingin sa kanya nang makaupo na siya sa sofa at pinagpatuloy ang panunuod ng TV.

"Life is getting easier," kuya Shin murmured in amusement.

"You," panggagaya ko sa boses ni papa "What did you do to my ate?" tanong ko sa kanya. Nginitian muna niya 'ko ng nakakaloko bago lumapit at bumulong sa'kin.

"Believe it or not," simula niya. "I had an exhausting yet great night with your sister," nanlaki ang mga mata ko sa binulong niya. Bumungisngis si kuya, samantalang si ate ay mas lalong namula at malakas na hinampas ang kanyang nobyo. Hindi ako makapagsalita. Ibig sabihin tama ang hinala ko? Nag-ano nga sila?

"Natalia," tawag sa'kin ng kapatid ko.

"Oo ate, hindi ako judgmental," magkasaklop ang mga palad kong simula, "Tanggap pa rin kita, love pa rin kita at may respeto pa rin ako sa'yo. Alam kong mahal na mahal niyo lamang ang isa't-isa at kahit bigyan pa 'ko ng offer na magkaroon ng bagong ate ay ikaw at ikaw pa rin ang pipili-"

"Gaga! Kung anu-ano iniisip mo!" Napipikon niyang sambit. "Mauna ka na sa Effloresence, magbibihis pa 'ko."

"Ahh," yon lang pala. Akala ko naman ay may kinalaman sa sinabi ni kuya Shinichi ang babanggitin niya. "Sige, sige, take your time."

"Ikaw Shinichi, umalis ka na rin, isabay mo na ang kapatid ko," utos ni ate.

"Yes, boss," tugon ng nobyo niya't pabirong sumaludo sa kanya.

"Ohgod," bulong niya. "I hate the both of you," usal niya bago kami tuluyang iwan.

Saglit muna kaming nagkatinginin ni kuya Shinichi bago pinakawalan ang kanina pa naming pinipigilang halakhak.

Kiss and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon