BM43 - Dangerous weapon

23.3K 660 12
                                    

Chapter 43

Jeisen Jee POV

Inubos ko ang apple na kanina ko pa pinapapak. Napa sobra ata ang paghihigpit ko sa gagawin ni Ate Jaud. She's my sister and I care for her.

Okey lang sa akin na ako lang masaktan. Wag lang ang mga taong mahal ko. Sila nalang ng kapatid ko ang natitira sa akin.

"This is so nakakaloka girls. I am so na sho- shookt!"

Ngumiti ako kay Aicel.

"She'll be okey."

"Baka nagtampo na ng tuluyan si Audrey este si Ate Jaud flower girl. Ba't mo kasi pinagsabihan."

"One." Nag umpisa na akong magbilang.

"Anong one Jeisen?" Tumango ako kay Donna. I'm counting kung ilang segundo bago lumabas ang kapatid ko sa kwarto niya.

"Two."

"Ba't ka nagbibilang flower girl?"

"Hintayin niyo lang." Sabi ko. "Three... Four... Five... Six..." Aba himala, lampas 5 seconds na wala parin ito. Kaya nag patuloy uli ako sa pagbibilang. "Seven... Eight.... Nine... te ---"

Biglang bumukas ang pinto at pinagtatapun ni Ate Jaud ang mga damit na susuotin namin sa pag iinsayo. Ito 'yong kagaya ng suot niya ngayon. Sports bra na puti, black sexy shorts with jumper at high cut na black and white na shoes. Dinagdagan pa niya ito ng gloves.

Ganyan siya kaarte kahit na mag sho-shooting lang kami.

"Omegee Ate Jaud! Are you okey na ba?" Lumapit si Aicel sa kanya at hinila para pa upuin sa sofa.

"Oo naman girls. Bwahahahaha! Nadala ba kayo sa intense na batuhan namin ng lines ni Senjei? Ang galing ko diba?"

Sanay na ako sa kapatid kong ito. Hindi naman kasi siya nagtatanim ng sama ng loob. At alam kong naintindihan niya rin kung bakit ko nasabi 'yon.

"Ikaw na talaga Ate Jaud! Kahit na hindi kana pala naka fat costume ay ganun parin 'yong ugali mo. Hihihi."

"Oo naman Sha. Hindi naman ako kagaya ng ibang models d'yan na pa almighty. Syempre ang turo sa amin ay dapat down to earth lang."

"Ate Jaud! Pasensya na at inasar ka namin kanina. Nahihiya tuloy kaming humingi ng fan sign sa'yo."

"Sus! Wag kayong mahiya girls. Wala kayo nun. Bwahahahaha." Napangiwi ang tatlo at sabay na tumingin sa akin. Narinig na kasi nila ang linya kung 'yon minsan. "Don't worry, mamaya bibigyan ko kayo."

"You are so bait Ate Jaud! Omegee talaga! I can't paniwala that it's you na kaharap ko now! But wait ha? Why did you tapon itong mga damit to us?"

Mabuti naman at natanong ni Aicel.

Para naman at makapag umpisa na kami.

"May training kayo sa shooting now." Nginisihan niya ako. "Dali Senjei magbihis na kayo at magluluto muna ako para sa food natin."

"Kayo na ang pinaka weird na magkapatid na nakilala ko Jeisen at Ate Jaud." Palipat lipat na tingin ni Donna sa amin. "Kanina nagtatalo kayo tapos ngayon parang wala lang nangyari. Napakalihim niyo pa."

"The Escintosh sisters are weirdos flower girls. Hihi."

Marami na ngang nagsasabi sa aming ng ganyan. Lalo na sa akin. I don't know if it's a good or bad thing.

"We are not weirdos girls." Sagot ni Ate Jaud. "We are just unique! Bwahahaha. Diba Senjei?"

"Umm, ewan ko. Mag luto kana kaya Ate Jaud." Pinulot ko ang mga damit na pinagtatapun niya kanina at ibinigay ito sa tatlo. "Suotin niyo 'yan bago tayo pumasok sa training room."

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon