Chapter 25

3.6K 97 2

Magkatabi kami ni Joshua sa dining table.Bakit ba niya ako binabantayan habang kumakain ako ng ice cream?!

"J-Joshua, b-bakit ka ba-"

"Kamusta ka?Iyong baby kamusta?Sino kasama mo?Saan ka nags-stay?Comfortable ba?"Sunod-sunod nitong tanong.

"Pwede isa-isa lang?"He inhaled tapos exhaled.Baka naaannoy na ito sa'kin.

"Saan ka ba nagtago?Hindi kita mahanap."

"Nasa province ako.Kasama ko tita ko."

"Pano nalaman ni Christian na nandun ka?"

"Hindi niya alam.Nagbabakasakali lang siya."

"Bakit hindi mo sinabi na buntis ka?"Natahimik ako.Hindi siya makatingin sakin habang tinatanong iyon. "Bakit mo ako hinayaang alagaan ang ibang babae pero ikaw hindi?" Nagtitimpi si Joshua.I can feel it.Nagagalit siya.

"Kritikal kasi ang kalagayan ni Anji.Kaya nagparaya ako."

"How did you know?"

"Kasi nakita ko."Tipid kong sagot.

"What do you mean?"

"Nung nalaman kong buntis ako, pumunta ako dito.Balak kong sabihan ka kaso lang nalaman kong bawal ma stress si Anji dahil makakaapekto sa baby."I bit my lip.Don't cry,Angel.Huwag kang umiyak.

"Kaya lumayo ka nalang at hinayaan akong alagaan si Anji?" Tumango ako. "Do you know how stupid that sounds,Angel?Alam mo ba nararamdaman ko ngayon?"

"Galit ka."Sagot ko without looking at him.

"Sobra.Gusto kong magwala.Gusto kitang sumbatan.Bigla-bigla ka nalang nawawala.Bigla-bigla mo akong sinusuko.Ang dali lang sayo na iwan at ipamigay ako.You even sent annulment papers." Napapikit ako.May tumulong luha sa mga mata ko. I'm sorry,Joshua.I am so sorry.

"Galit na galit ako sayo.Ang bilis lang para sayo na itapon lahat.Alam kong hindi pa nagi-isang taon ang kasal natin, pero that doesn't make our feelings for each other less real. Kaya kong lumaban pero bumitaw ka na eh.Diniktahan mo ako sa kung ano ang dapat kong gawin."

"Pero alam mo ang mas nakakagalit? Iyon ay kahit nagawa mo iyon, hindi ko magawang bitawan ka."Napatingin ako sa kanya. "Alam mo ba how frustrating that is?Gusto kitang i-blame sa lahat, gusto kita pagalitan at sigawan pero I can't.I love you so much.Hindi ko magagawa sayo iyon." Naiiyak na rin si Joshua. 

"Pero bakit ikaw? Bakit ang dali lang sayo?"He looked up to prevent himself from crying pero may tumulo pa rin na luha. "Mahal na mahal pa rin kita kahit nagawa mo sa'kin iyon.I'd still accept you na walang pag-aalinlangan."Tumingin ito sa'kin, "Bakit,Angel?" Hindi ko napigilan ang sarili ko.Hinagkan ko si Joshua.

"I am so sorry.I am so sorry,Joshua.Inurong ko na iyong annulment.I don't have any plans na humiwalay pa sayo. I am so sorry. Hindi ko alam kung ano ang gagawin to make you forgive me.I am sorry." I have nothing else to say to him but to say sorry.Bumitaw ako.

"You don't have to. Napatawad na naman kita.You can't totally hate the person that you love.Ang importante nandito ka na."He wiped my tears. "Tignan mo nga ang malditang ito, iyakin talaga."

"K-kainis ka."

"Please, don't do that ever again.Huwag ka na biglang mawala please. Hindi ko kaya eh.Nakakabaliw."He said and kissed me on the forehead.

"Hind na.Hindi na ako hihiwalay pa." He smiled at me. "I love you." I finally got the guts to utter those words. Bigla akong hinalikan ni Joshua and napapikit ako. I miss his lips on mine.I miss this.

Beguile #2:Joshua De Gracia(DG Series)COMPLETEDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!