Chapter 10

4.8K 139 3

Bigla akong nailang kay Joshua matapos iyong nangyari sa'min sa pool.

"Thank you talaga,Josh and Angel!" Pagpasalamat sa'min ni ate Annika nang masundo niya si Elijah.

"You are welcome po!" Sagot ko naman at inihatid namin ang mag-ina palabas hanggang sa nakaalis ang sasakyan nila.

Naramdaman ko si Joshua na nasa likuran ko at para naman akong napako sa kinatatayuan.

"Sino pa ba ang tinitignan mo diyan?" Tanong ni Joshua

"A-ahh, wala naman." Sagot ko at dali-daling pumasok sa loob ng bahay.

Agad akong umakyat sa aking kwarto at sinarhan ito.

Ano ba ang nangyayari sa'kin? Ba't ba ako naiilang sa lalaking iyon?


Nanood ako ng tv sa living room nang bigla siyang tumabi sa'kin and placed his feet sa center table.

Bigla niyang kinuha ang remote sa'kin."Hey! Ibalik mo nga iyan!"

"Mamaya na! Born For You na eh." Ani niya and transferred the channel to ABSCBN.

"What? Nanonood ka niyan?"

"Bakit,ikaw,hindi ba?" Tanong niya.

"No." I answered.

"You should support ang sariling atin na mga palabas! Tsk. Parang hindi ka pinoy."

"Wow! At nagsalita ang lalaking may sandamakmak na Koreanovelas sa kwarto." Natahimik naman siya at parang nahihiya.

"P-pero at least ako nanonood nito! Ikaw ba? Huh? Huh? Huh?Tsk." Napailing ako sa sinabi niya. Para talaga siyang bata. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan.

"S-saan ka pupunta?"

"Bakita susundan mo ako hanggang sa kwarto?" Tanong ko sa kanya.

A playful smile appeared on his lips and placed his arms at the back of his head."Why, you want me to?"

"T-tumigil ka nga! Matutulog na ako!" Dali-dali akong naglakad pabalik sa aking kwarto.

I did my rituals at handa na akong matulog nang may kumatok sa kwarto. I shut my eyes dahil panigurado na si Josh na naman ito.Padabog akong napatayo mula sa pagkakahiga dahil pinaulanan ako ni Josh ng sunod-sunod na katok.

"What?!" Singhal ko sa kanya. Nagulat naman ito sa sigaw.

"Iyong ano...ano...uhm..." Padabog ko siyang sinarhan ng pinto.

Bumalik ako ng higa at nakapikit na ang aking mga mata nang kumatok na naman siya ng sunod-sunod.

"Urgh! Nakakainis talaga ang lalaking 'to!" Binuksan ko ang pinto,"ANO?! Nangdi-disturbo ka na naman!"

"Iyong mga plato! H-Hindi mo hinugasan! T-tama...iyong mga plato. Matutulog ka diyan tapos iyong mga plato hindi mo pa hinuhugasan."

"Kung malaki ang problema mo sa mga plato eh di sana ikaw nalang ang naghugas." Ani ko at sinarhan siya ng pinto.

Bakit ba parang nang-iistorbo na siya sa'kin?

Beguile #2:Joshua De Gracia(DG Series)COMPLETEDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!