Chapter 14

4.1K 130 2

ITS been days since we decided to give this marriage a chance.Sometimes nafe-feel kong nagbago na siya.Nagiging sweet siya pero most of the time parang ganoon pa rin ang ugali niya—reklamador at mabunganga.Daig pa ako na babae.

Kagaya sa nangyayari ngayon.

"Teka,ba't ito na naman ang breakfast?" Turo ni Joshua sa niluto kong fried egg.This is the third or fourth day na fried egg ang ulam niya dahil late akong nagigising.

"Magre-reklamo ka pa eh male-late ka na. Anong oras na oh!"sabay turo ko sa wall clock.

"Dapat kasi maaga kang gumising para nakapag luto ka ng mas masarap na pagkain. Alam mong CEO ako tapos fried egg lang? Paano ko maayos na magagamit ang utak ko?" Reklamo niya habang kumakain.

"Kung hindi ka ba naman kasi madaming pinautos sa akin eh di sana maaga akong nakakatulog. Ultimo gabi pinapalinis mo ako." Hindi na siya sumagot pa at nanahimik nalang.

Hinatid ko siya sa pinto. Sinunod ko na ang bilin ni mama na ihatid ang asawa tuwing pupunta ito ng trabaho.Give this marriage a chance? Fine!

Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin.Napatingin ako sa kanya,"Angel, wala bang-" he made a kissing expression.

Sinimangutan ko lang siya."Over na iyan. Tumahimik ka."

Nagsalute naman ito."Yes Ma'am!" Aalis na sana ito nang may naalala ako.

"Josh!" Tawag ko sa kanya at humarap naman ito ulit sa akin,"may ipapautos sana ako."

"Ano iyon?"

Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko o hindi. "Uhm..." I pursed my lip at naghihintay naman si Josh sa sasabihin ko,"bilhan mo ako ng napkin." Mahina kong sambit at Hindi ako makatingin sa kanya.

"Okay." Agad niyang sagot bago umalis.

Huwaaa himala hindi niya ako inasar or di kaya ay nagreklamo na siya ang inutosan ko. Magaling,magaling,Joshua!

IT was a busy day at work and I can't wait to go home! I stopped on my track nang maalalang may pinapabilin si Angel sa'kin.

Pumasok ako sa sasakyan at nag drive patungo sa supermarket.

Hmmm...saan ko ba mahahanap ang apkin na iyon? Ano ba ang sinasabi ni Angek na apkin? Pagkain ba iyon?

Hindi ko naman alam ang pasikot-sikot sa supermarket kaya tinawagan ko nalang si Drake. Sanay na iyon sa supermarket dahil kay Annika eh.

Ilang ring lang ay sumagot si Drake.

"Josh," untag niya

"Drake, alam mo ba kung ano ang apkin?" Tanong ko habang tinitignan ang rack ng mga pagkain.

"Apkin? Hmmm...Annika! Alam mo ba ang Apkin?" Oh! Mukhang nakauwi na siya sa bahay.

Naghintay ako ng ilang segundo at nagtaka nang medyo napatawa si Drake.

"Josh, para kanino ba iyan? Kay Angel ba?"

"Paano mo nalaman? Oo,nagpabili kasi.Wow! Manghuhu-"

"I think you misheard her,Josh.I think she meant napkin." Napako ako sa aking kinatatayuan at kulang nalang mabitawan ang phone na hawak.

Beguile #2:Joshua De Gracia(DG Series)COMPLETEDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!