Chapter 16

3.9K 136 6

AFTER what happened,we never spoke about it again.Napaka awkward palagi ng situation the first few days after the 'kiss' that we had at lalong-lalo na sa choco milk na incident.Ilang araw niya akong inaasar dahil doon at halos di rin ako makatingin sa kanya,but we're resilient kaya balik na naman kami sa dating gawi-bangayan ulit.But I don't mind kasi parang mas close kami kapag ganoon kesa maging 'sweet' sa isa't-isa.

"Angel," tumabi sa'kin si Josh habang nanonood ako ng tv.

"Ano?" walang gana kong tanong sa kanya.

"Ano kasi...birthday ng isa sa mga kaibigan ko baka-"

"Saan?"

"Ha?" Humarap ako sa kanya.

"Saan ang party?"

"Ano..sa bahay niya lang." Sumingkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

"Hindi ka nagsisinungaling?"

"Ako? Sinungaling? Asa!" At proud pa ito!

"Okay."

"Sure ka ha?"

"Oo nga! Kainis 'to! Umalis ka na sa tabi ko baka magbago pa ang isip ko."

"Ba't ba ayaw mong makatabi ako? Asawa mo kaya ako!" Hindi na ako sumagot pa sa sinabi niya. Hanggang ngayon kasi, kinakabahan pa rin ako at bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko dahil doon sa nangyari.Ako lang kaya ang nakakaramdam ng ganito sa aming dalawa?

The next morning, maagang umalis si Josh. Nag send lang ito ng text kinagabihan na nasa bahay na siya ng kaibigan niya.I texted him.

Patay ka talaga kapag nag sinungaling ka

Agad naman itong nag reply

Hindi nga! Ito naman walang tiwala sa'kin!

HUWAG KANG UMINOM! BAKA MAGING PUSA KA NA NAMAN

DON'T REMIND ME! By the way, how about kung maging tigre ako habang lasing? Y'know, I'm pretty sure magiging aggressive ako baka mapaaga ang baby*wink*

I felt my cheeks burn after reading Josh' text! Bakit kailangan pa niyang i bring up ang tungkol sa baby?! Kainis!

LEONARDO JOSHUA VILLANUEVA DE GRACIA HUWAG NA HUWAG KANG UUWI!

Ito naman joke lang! Hindi na ako iinom...promise! Kahit pa itaya ko itong gwapo kong mukha.

Hindi na ako nag reply pa sa kanya. I busied myself watching television.Magmula noong magsama kami ni Joshua, naa-adik na rin akong manood ng tv. BI talaga ang lalaking iyon.

Seryoso akong nanonood nang biglang nag vibrate ang phone ko.Pagtingin ko,text pala ni Joshua.

Buhay ka pa? May asawa pa ba akong uuwian?

Wala na kaya wag ka nang umuwi.

Grabe naman ito! I'm just checking up on you.

Miss mo na ako?:p

Pagbibiro ko sa kanya.I'm sure hindi na ito magre-reply dahil matagal dumating ang reply niya.Nagulat siguro AHAHHAHAH!Akala niya siya lang pwede mag biro?

Akala ko hindi siya magre-reply pero mali ako dahil nag vibrate ang phone ko.Excited kong binuksan ang text niya dahil baka nagalit ito.

Every day I'm not beside you.

I bit my lip sa reply niya. Biglang nag-init ang katawan ko dahil sa reply niya! I hate to admit it, but kinilig ako and I SHOULD NOT FEEL THIS WAY TOWARDS THIS CASANOVA! Walang hiya siya at may come back pa siya sa text ko!Ugh kainis!

Beguile #2:Joshua De Gracia(DG Series)COMPLETEDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!