Chapter 24

3.2K 119 7

Nasa dinner table kaming apat.Kaharap ko si Joshua na katabi si Anji.

"Manang, paki-abot nga po ng vitamins ni Anji at saka tubig na rin po."

Naiiyak ako habang tinitignan si Joshua na pinapainom ng vitamins si Anji.Naiiyak ako dahil ako dapat ang nasa posisyon ni Anji.Ako dapat!

"Ano pag-uusapan natin?" Malumanay na tanong ni Anji sa'min.

Hindi ako makapagsalita.Hindi ko alam kung pano sisimulan. Nalulunod ako sa mga tingin ni Joshua. His eyes look sad...kagaya ng sa akin.Bakit kami umabot sa ganito?We were fine!He was mine!Anong nangyari?Oo nga pala, nagparaya nga pala ako.

"Ako ang dapat managot kay Anji at hindi ikaw Joshua." Lahat kami napatingin kay Christian nung magsalita ito.He looks serious. He's not blinking while looking at both Anji and Joshua.

"Anong ibig mong sabihin?"Nalilitong tanong ni Anji.

"Ako ang ama niyang dinadala mo.Hindi si Joshua." Tumingin ako kay Joshua. He is now looking  in wide eyes at Christian.

"No, that's impossible."

"Why?Bakit imposible,Anji?"Pasimpleng sumandal si Christian sa upuan and crossed his arms while intently looking at Anji.

"Because you weren't there!I was with Joshua when I woke up!He was-"

"Nakalimutan mo na ba?"

"Ang alin?"

"Let me remind you, I was with you at the bar the night before Angel's wedding,remember?" Christian waited for Anji to respond pero tahimik lang ito.Hindi ito makapagsalita kaya nagpatuloy siya.

"Ako iyong naghatid sayo sa kwarto mo when you couldn't even walk without falling.Ako iyong sumasalo sayo. I was there when you needed me." Umiiling si Anji.Halatang hindi makapaniwala, halatang confused. Namumula ang mga mata niya.

"No,that's not true."

"I was there the night it happened kasi ako iyon,Anji,at hindi si Joshua!"Medyo tumaas na ang boses ni Christian.Halatang naiinis na ito at naf-frustrate.

"You're making up things,Christian!Si Joshua ang ama at hindi ikaw!" 

"Magpa DNA Test tayo para magkaalaman na!I am 110% sure na that baby's mine,Anji!I am sure of that." Umiiling pa rin si Anji.Natatawa ito habang pinupunasan ang luha na tumulo.

"Okay, you were drunk.Nakalimutan mo ang nangyari sa gabing iyon. Pero don't tell me hindi mo maalala nung nagpunta tayo sa mall before sa bar..."Nanlaki ang mga mata ni Anji "...you were craving for ice cream kaya sinamahan kita." Tumayo si Anji.

"Stop it,Christian."

"And while you were eating it you cried.Umiyak ka kasi ang lalaking crush mo, ang lalaking matagal mo nang gusto ay ikakasal kay Angel,diba?" Naglakad palayo si Anji na para bang ayaw niyang makinig pero hindi nagpaawat si Christian.Sinundan niya si Anji.

"And ako iyong naging sandalan mo nung panahon iyon.Ako iyong nag comfort sayo,di ba?I confessed my feelings for you Anji right then and there kasi sobra ka nang nasasakta pero anong sagot mo sa'kin?You said kaibigan lang ang turing mo sa'kin!" Umiiyak na si Anji.Gusto kong lumapit sa kanya pero hindi ako makagalaw mula sa kinauupuan ko.Tumayo si Joshua.

"Christian,tama na." Pinapatigil ni Joshua si Christian.

"Ako iyong nandun,Anji!Ako palagi ang nasa gilid mo kapag nasasaktan ka mula pa elementary!Kapag nagkaka girlfriend  iyong crush mo, ako iyong nagc-comfort sayo!Ako palagi ang naging kasama mo!Bakit ba ayaw mo akong bigyan ng pansin?"Naiiyak na rin si Christian.

Beguile #2:Joshua De Gracia(DG Series)COMPLETEDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!