Chapter 21

3.8K 116 13

IT HAS been 3 days since Joshua left for America.Araw-araw kami kung mag-usap.I had to adjust dahil magkaiba kami ng timezone.I sometimes have to sleep late para lang maabutan siya pagkagising niya.And kahit nasa kabilang dako siya ng mundo, hindi pa rin ito nagbabago...kagaya ngayon.

"Ano ba naman iyan,Angel,kahit nasa screen lang ako, nakikita ko pa rin ang dumi.Punasan mo nga iyan ng mabuti ang vase!Ingatan mo!Alam mo bang ang mahal niyan!Sa Rome ko pa iyan nabili!"Parang naiirita nitong saad. I glared at him at tumikhim naman ito.Natauhan ata ang mokong sa sinabi niya.

"Anong sabi mo?ANO BA AKO? ASAWA MO O KATULONG?! KANINA MO PA AKO INUUTUSAN!MAS IMPORTANTE BA SAYO ANG MGA VASE MO KESA SAKIN?! MATULOG KA NA NGA DIYAN!" Galit kong saad sa kanya.Mabilis akong lumapit sa laptop na nasa center table and sinara ito.Kahit kailan talaga napaka nagger ng lalaking iyon!Kanina pa niya ako sinesermonan habang naglilinis ako.Urrghhh!

Inakyat ko ang laptop sa kwarto at iniligpit.Hindi mo ako makakausap ngayon De Gracia!Bahala ka diyan.Hindi ka sana makatulog dahil sa ginawa mo sa akin!

"Ang laki-laki nitong bahay tapos ako lang naglinis.Ano bang naisip ng lalaking iyon at ito ang binili niya?! Di pa kumuha ng katulong!" Sambit ko habang pababa ng hagdan at dumeretso sa kusina para uminom ng tubig. "Urgh!" Nag ring ang phone ko sa bulsa at sinagot ko ito, "Hello?!"

"Easy!Ano ba,Angel?Hahahaha."Na-relax ako nung boses ni Christian ang narinig ko.

"Christian,ikaw pala!"

"Mali ba timing ko?"

"Hindi,okay lang!Napatawag ka" Tanong ko habang naglalakad ako palabas ng kusina

"Oo, yayain sana kitang lumabas.Tagal kaya nating di nagkita!"

"Di ka nagparamdam!"

"Asei!Busy ka masyado sa pagiging asawa hahaha.Anyway, okay lang ba sa kay Joshua na lumabas ka kasama ko?"I rolled my eyes when I heard Josh' name.

"Oo!Wala naman dito iyon."

"Bakit, saan ba nagpunta?"

"Ik-kwento ko sayo mamaya.Teka, anong oras ba tayo magkikita and saan?" Pag-iba ko sa usapan.Sinabi sa'kin ni Christian ang oras and kung saan kami magkikita which is 2 hours from now.

Umakyat ako ng kwarto at tumingin ng pwede kong masuot.Habang naghahanap ako, ayaw tumigil ang phone ko sa pag ring.Hindi ko sinasagot dahil alam kong si Joshua, iniba ko kasi ang ringtone para malaman kong siya ang tumatawag o nagte-text.

Kahit nakabihis na ako and nasa loob na ng taxi, di pa rin tumigil sa pagtawag ang mokong!Hindi pa ba iyon natutulog?!Late na sa kanila ah!Nakonsensya naman ako kaya sinagot ko na ang tawag.Hindi muna ako nagsalita.

"Gel,"malambing niyang saad, "I'm sorry."

"Gel ka diyan,di ba katulong mo ako?"

"Maldita talaga.Di kita katulong, asawa kita."

"Bakit ganon ang trato mo sa'kin?"Irita kong saad.

"Syempre kasi gusto kong malinis ang bahay and wala namang pwedeng maglinis kundi... ikaw."Pumikit ako nang marinig kong parang natatawa ito sa huli niyang sinabi,Urrgh!

"Magso-sorry ka na nga lang,tatawanan mo pa ako!" Natahimik ang kabilang linya.

"Ma'am, okay lang po ba dito tayo dumaan?Traffic eh."Ani ni kuya driver.

"Yes,Kuya."

"Saan ka pupunta?"Nagsalita rin.

"Ewan ko."

"Angel,"He said in an authoritative tone.

"Basta!Magkikita kami ni Christian!Bahala ka diyan!Maghanap ka ng asawa mong willing maging katulong at pwede mong mautusan 24/7!" Sigaw ko and ended the call.I blocked his number para di na siya makatawag.

Beguile #2:Joshua De Gracia(DG Series)COMPLETEDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!