Chapter 15

4.2K 133 3

NAGISING ako dahil sa ingay ng phone ko. Inabot ko ito mula sa bedside table at sinagot ang tawag without looking at the caller.I'm still sleepy!

"Joshua!"

"Who's this?"

"This is your mom."

"Oh tapos?" I really had no idea what I was saying.Can you blame me? Pagod na pagod ako kakalinis sa bahay at sinabayan pa ng nangyari kagabi.

"Ano?! Joshua!" Agad akong napabangon dahil sa sigaw ng mama ko,"Gumising ka nga! Ang laki laki mo na at ang tagal mong magising! It's already 9AM!"

I rubbed my eyes at tinignan ang oras, it's still 7AM, "Ma naman, anong 9? Magsalamin na kasi kayo, it's still 7."Natatawa kong saad at tumahimik ang kabilang linya. Ooops.

"Anong sabi mo?"

"Wala po, sabi ko nga 9 na.Bakit po kayo napatawag?"

"Anak, hindi pa kayo bumibisita dito sa bahay magmula noong ikinasal kayo."

"Ma," tumayo ako mula sa kama at pumunta sa CR habang hawak ang phone ko sa tenga,"Busy lang po kami."

"Sige na,anak."

"Ma,may trabaho po ako ngayon at-"

"Joshua!Iwan mo muna iyang trabaho.Mas uunahin mo pa iyan kesa sa'min?Dito kayo mag lunch sa bahay."

"Ma naman..." Magrereklamo sana ako dahil nahihiya pa akong kausapin si Angel pero pinatay na ni mama ang tawag.

Wala na akong magawa kundi ang maligo dahil aalis kami mamaya.I wonder kung gusto bang pumunta ni Angel sa bahay, kung ayaw niya, eh di okay lang din, sasabihan ko lang si mama na busy si Angel and I'm sure okay lang sa kanya dahil si Angel naman.

Bumaba ako para kumain nang maabutan ko si Angel na naglilinis.I stopped on my track dahil hindi ko alam kung paano i approach ito at alam kong pati rin siya ay nahihiya tungkol sa nangyari kagabi.Ano ba kasi ang nakain ko at ginawa ko iyon?Gusto ko lang naman siyang patahimikin at patahanin dahil umiiyak na ito...at wala rin naman siyang dahilan para pagselosin iyong mga naging girlfriend ko dahil matagal na iyon at nagbago na rin ang ideal type ko.I don't want to make things awkward between us.

"Ang aga ng asawa ko ah! Galingan mo ang paglilinis ha?" Pagbibiro ko sa kanya. She just glared at me bago itinuon sa ibang bagay ang kanyang atensyon.

Dumeretso ako sa kusina at nang tignan ko ang hinanda niyang pagkain, another fried egg. Ilang beses ba sa isang linggo kami kakain ng itlog?

"Angel! Ba't fried egg na naman?"Sigaw ko mula sa kusina

"At anong gusto mo? Maghanda ako ng espesyal? Aba! Abusado ka na,Joshua. Kung gusto mo ng masarap na pagkain, magluto ka diyan." Umiling nalang ako at kinain pa rin ang hinanda niya.Kahit sinigawan niya ako ay para  pa rin akong nakahinga ng maluwang dahil bumalik na iyong dating Angel at ang dating kami.

Hindi 'to pwede. Sigurado akong hindi na naman masarap ang pagkain mamayang lunch kaya pupunta nalang kami sa bahay.Sigurado akong masarap ang pagkain na ihahanda nina mama.

"Angel," lumapit ako sa kanya matapos kong kumain,"Pupunta tayo sa bahay mamaya."

"Bakit naman?"

"Tumawag si mama kanina at doon daw tayo mag lunch."

"Okay," pagsang-ayon niya.

HALOS hindi ako makahinga nang lapitan ako ni Joshua kanina at kahit ngayon na nasa sasakyan kami ay halos walang imikan na nangyayari sa'min.Of course hindi pa rin ako maka move on sa nangyari kagabi!Nasira ang pride ko because para na rin akong nagsasabi na gusto ko na siya dahil nagseselos ako pero no!Hindi ko gusto ang lalaking iyon.

Eh ba't ka nagseselos kung wala ka pa lang gusto sa kanya?Bakit ka nasaktan kagabi?Bakit halos hindi ka makatulog kagabi?

Umiling ako to brush off my thoughts.

Sinalubong ako ng halik sa pisngi at hug ng mama ni Joshua pagkarating namin.

"Ohmygod,hija!The last time I saw you was during the wedding!" Tumingin ang mama ni Joshua sa likuran ko, "Ikaw, ba't hindi mo man lang kami binibisita dito?"

"Ma,busy nga po-" Hindi pinatapos ng mama ni Joshua magsalita ito.

"Anyway,hija, I believe you've met Ellison."Turo niya sa lalaking kakalabas lang sa isang kwarto.

Beguile #2:Joshua De Gracia(DG Series)COMPLETEDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!